Chapter 51 - The Aftershock

1.6K 111 46
                                    

Makalipas ang dose oras, dahil nawalan na ng bisa ang anestisya sa katawan, nagsimulang kumirot ang mga sugat sa buong katawan ni Ace at nagising ito.

Ace:  Kuya...

at pilit inaangat ang kamay.  Narinig ito ng nagbabantay na Nurse at nakita din ni Uno ang paggalaw nito mula sa kabila ng mirror glass wall kung saan sila nandon ni Kiara at nagbabantay.  Napatayo sila at lumapit sa pinto ng ICU at pinindot ang buzzer.  Tumingin sa kanila ang Nurse at tumango.  Nilapitan si Ace.

Nurse:  Sir, huwag ho kayong masyadong kumilos.

Ace:  Masakit, ang daming masakit.  Ang Kuya ko, si Raine? Nurse, may kasama ako ng maaksidente ako, anong nangyari sa kanya? Nasaan siya?

Nurse:  Sir, huminahon ho kayo, dahil mapipilitan akong saksakan kayo ng tranquillizer kapag naging hysterical kayo at makakatulog kayo ulit, hindi ninyo malalaman ang sagot sa mga tanong ninyo.

Tumango-tango si Ace.  Pilit kinalma ang sarili at ibinaba ang kamay.  Tumingin sa salamin at nakita niya si Uno at Kiara.  Kumaway ang mga ito sa kanya. Noon niya narealize na nasa ICU siya.  Napaisip,  "gaano ba kalala ang sinapit ko at nandito ako?"

Nurse:  Nasa labas ho ang Kuya ninyo, tumingin ho kayo sa salamin. Tatawagin ko lang ho si Doctor para malaman natin kung pwede nating papasukin dito ang kapatid mo.

Ace:  Oo salamat.

Tumalikod na ang Nurse.  Dahan-dahang kinapa ni Ace ang parte ng mukhang mahapdi, nakapa niya ang gasang nakatakip doon.   Tapos ang balikat, braso at tagiliran  pati ang magkabilang braso kinapa niya may nakabalot ding gasa sa mga ito.  Napapikit si Ace, pilit inalala ang nangyari sa kanila.  Naisip niya, nakaseatbelt si Raine pero nawalan ito ng malay. Napausal siya ng dasal, "Diyosko, huwag mo pong itulot na may masamang mangyari kay Raine. Iligtas po ninyo siya."

Mayamaya bumalik ang Doctor kasama ang Nurse. Dere-derecho ang mga ito sa loob ng ICU.  Chineck-up  si Ace ng Doctor at kinausap.  Makalipas ang kinse minutos lumabas ang Doctor at kinausap sila Uno at Kiara.

Dr.  Samonte:  He seems normal, he can answer questions at sabi niya hindi nga tumama ang ulo niya.  He is in serious pain, so humihingi siya ng pain killers.  I will ask the Nurse to give him some. Pero sariwa pang lahat ng sugat niya kaya let's keep him here for now, at least a day or two para close na ang mga sugat niya at hindi na madaling dapuan ng bacteria.  You can go in and talk to him, provided you wear the hospital gown, caps, mask and gloves.  You can also feed him, I have put him in liquid and soft diet. Soups, jello, mashed vegetables lang muna for today para hindi mabigla at makaiwas tayo sa kahit anong allergic reaction. Bukas I will give a go signal kapag pwede na siyang kumain pero bawal ang malalansa para hindi mangati ang mga sugat niya.

Uno:  Okay po Doctor, salamat po.

Dr.  Samonte:  He asked about someone named Raine, na kasama daw niyang naaksidente.  If you are going to tell her just make sure na malumanay ninyo sabihin sa kanya or kung maaari huwag na muna siyang bigyan ng detalye, the last thing that we want to happen is for him to get hysterical at magwala.  Makakasama ang pagkilos sa malalaking sugat niya baka bumuka.

Uno:  Okay po.

Dr. Samonte:  Sinabi ko na sa kanya ang tungkol sa mga sugat niya. Parang hindi naman siya nabigla dahil malinaw naman ang isip niya ng maaaksidente kaya siguro ineexpect na niya yon.  Let's just hope na ganyan pa rin siya kakalmado kapag ipinakita na natin sa kanya ang mga ito.

Uno:  Sana nga po Doctor.  

Dr.  Samonte:  Sige na, pwede kayong pumasok ng isa-isa.  Maiwan ko na muna kayo at may pasyente pa ako.  Ipatawag lang ninyo ako kung ano man.

A Lost Faith  (Leap of Faith Book 3)Where stories live. Discover now