Chapter 21 - Secrets

1.9K 115 20
                                    

Kinabukasan bandang alas syete ng magring ang cellphone ni Raine... kinapa niya ito sa bedside table. Nakita niyang ang Kuya Dean niya ang tumatawag.  Sinagot niya ito...

Raine:  Hello Kuya..

Dean:  Open your door am outside.

Napatayo si Raine bigla naalimpungatan, nagmamadaling lumabas ng kwarto pagtapat niya sa living room, marahan na naglakad at pinagbuksan ang kapatid.

Dean:  Good Morning! 

Raine:  Kuya naman ang aga-aga pa, why are you here? May nangyari ba sa bahay?

Dean:  Wala naman, nagjogging ako eh so naisip kong dumeretso dito at yayain kang magbreakfast.

Itinulak ni Dean ang pinto at pumasok.  Nakita niyang tulog na tulog si Ace sa couch.

Dean:  Painom ng tubig.  Go change, breakfast tayo kahit sa Starbucks lang sa ibaba.  Uy, ayos itong pad mo ah, nagredesign ka pala.

Raine:  I didn't.  Ace did all this as a welcome home surprise for me.  Sige na kuya, wait for me sa Starbucks na lang. I'll just change.  Baka magising si Ace eh.

Dean:  Ok ok, bilisan mo ha.

Raine:  Opo! Go na!

Nakangiting umalis na si Dean.  Pero ang nasa isip, "mukhang good boy nga si Mokong ah sa couch natulog eh."

Nagbihis si Raine ng isang walking shorts at blouse.  Kinuha ang isang post it at ballpen at nagiwan ng note idinikit sa flower base na centerpiece ng centertable sa salas at pinuntahan na ang kapatid.

Dean:  I took a chance on ordering for you.  I got you Caramel Macciato and tuna melt.

Raine:  Thanks Kuya!  Ikaw ang aga-aga mo. Obvious naman why you're here.

Dean:  Tignan mo ikaw, sabi mo we don't get to bond tapos I made time for you, kung ano-anong iniiisip mo.

Raine:  Mr. Richard Dean Bryant, are you forgetting na kilala kita. Hindi ka gumigising na ganito kaaga.  Kaya don't try to lie.  Kuya, please just trust me on this. 

Dean:  Fine, sige na aamin na ako, I was checking on you.  To be honest I am surprised to see him sleeping on the couch.

Raine:  I told you, harmless nga siya. After dinner, we just watched a movie tapos we talked about our designs hanggang antukin na kami.  Akala ko ba you trust me?

Dean:  Oo nga I do... but tulad ng sinabi ko, lalaki pa rin yang si Ace.  Although, I am quite impressed na ganyan siya kagoodboy parang si Kosa lang eh.

Raine:  Kaya nga so, pwede ba?  Back-off na.

Dean:  Raine, yung totoo...  mahal mo siya?

Raine:  Since that day, I changed my status on FB.  I do Kuya and I feel it more now.

Dean:  Nakakagulat lang kasi, parang ang bilis.  

Raine:  Nasanay ka lang kasi ikaw since childhood crush mo na si Ate Les, tapos sila  Kuya Tisoy at Ate Rose. Tito Den and Tita Dei, pati na sila Daddy at Mommy are the same.  Pero Kuya, hindi lang naman ako ang may ganitong relationship, tulad nila Tita RR and Jerome di ba they met in a bar and just fell in love.  Sila Lolo Tatay at Lola Therese  pati sila Lolo Ricardo at Lola Rosario di ba sa work sila mga nagkakilala? and they all loved each other until the end.

Dean:  Ok fine, I am backing out na.  Sabi din naman ni Ate Leslie mo mabait at responsable si Ace.  Si RR at Jerome katakot-takot na build-up eh. Pero you have to promise me na ako ang number 1  para sa yo.

A Lost Faith  (Leap of Faith Book 3)Where stories live. Discover now