Makalipas ang dalawang oras bandang alas onse, inihatid na ni Dean si Leslie. Umakyat na para matulog ang buong pamilya ni Raine. Naiwan naman si Ace at Raine sa garden. Nililigpit nila ang pinagkainan.
Raine: How was your ride home with Kuya?
Ace: Okay naman, mabait naman ang Kuya mo, misinterpreted lang at nagkaintindihan na kami.
Raine: That's good.
Ace: He is very professional pero he's got a soft heart pagdating sa yo at kay Ate Leslie. Alam mo bang sobrang mahal ka ng Kuya mo. I was surprised na may mga kalokohan din sa utak. Humingi ng advice yung mga taga Varsity. Ang sabi ng Kuya mo, dapat stress-free daw sila at hindi mainit ang ulo kapag may laro kaya dapat do a lot of sex.
Raine: Loko talaga yan si Kuya, sinabi niya yon?
Ace: Oo pero dinugtungan naman niya ng, "just make sure not to get the girl pregnant or else tapos ang basketball career ninyo."
Raine: Ano pang napagusapan ninyo?
Ace: Marami pero ang tumatak sa utak ko ang sabi niya we have something in common.
Raine: ano naman yon?
Ace: We both love you so much.
Nagblush si Raine.
Raine: What do you mean misinterpreted ang Kuya ko?
Ace: Yung nawawalan siya ng oras sa inyo... hindi naman niya gusto yon. Kailangan niya lang talagang asikasuhin ang negosyo ninyo. Naisip ko nga ang hirap ng kinalulugaran niya. Kaya ikaw Bie, huwag ka ng magtampo sa Kuya mo, ginagawa naman niya ang lahat para sa inyo. Nalulungkot nga ako para sa kanya para kasing ang bigat bigat ng loob niya. Pati relasyon nila ni Ate Leslie nagsasuffer.
Raine: Feeling neglected si Ate Leslie tapos iniisip ko gusto na din magpakasal kaso hindi naman siya niyayaya ni Kuya.
Ace: Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa yong, maraming takot sa dibdib ang Kuya mo?
Raine: Ang Kuya ko? Hindi no, matapang yon, lahat kayang harapin non. Wala pang problemang inurungan si Kuya no.
Ace: That's what you think... pero Bie, kahit gaano siya katapang sa labas may takot siya sa ilang bagay, just like anyone else, just like me.
Napalingon si Raine kay Ace, nakita niyang seryoso itong nakatingin lang sa mga damo na parang nagiisip.
Ace: Raine... how do you feel every time your friends ask you about me? I'm sure tinatanong ka nila kung bakit ako ang naging boyfriend mo? Alam ko din na nababasa mo ang mga comments nila sa change stat ko. Anong nararamdaman mo every time you read them?
Raine: I will lie kung sasabihin kong hindi ako apektado. They are my friends mas masaya ako kung magiging masaya sila para sa akin at kung tatanggapin nila na ang minahal ko ay simpleng tao. Hindi mayaman, hindi sikat na katulad ng inaasahan nila. Kaya hindi ko na lang binabasa. Marangal na trabaho ang pagiging Barista. Kaya wala akong dapat ikahiya.
Ace: Papano kung nagtrabaho ako na isang housekeeping staff at nagkataong ako ang naglinis ng kwarto ni Samantha or kaya nagtaxi driver ako at naisakay ko ang Tres Muskiteros at nakilala nila ako, hindi ka pa rin mahihiya?
Raine: Kung hindi mo nilinis ang kwarto ni Samantha she will not have a pleasant stay in the hotel at kung hindi mo ipinagdrive ang Tres Muskiteros hindi sila makakarating sa kung ano mang importanteng pupuntahan nila. So, why will I be embarrassed? Kahit pa ikwento nila kung kani-kanino na nakita ka nila. Hindi ako mahihiya and I would be proud na sabihin na boyfriend kita.
YOU ARE READING
A Lost Faith (Leap of Faith Book 3)
RomanceRaine is not a typical girl, she was born with a golden spoon. She gets everything she wants. Yet, her life feels incomplete and something is not right. Maybe because unlike woman her age, she's aloof, quiet and an introvert. This story shows h...