Dumaan ang mga araw, ginagawa ni Ace ang design frame, kapag wala siyang assignment at maagang umuuwi galing school nagpupunta siya sa pad ni Raine. Pero lagi pa rin itong dumadalaw ng sabado o linggo kila Ryzza. Si Dean, mukha namang tumahimik na pero hindi pa rin kinakausap si Ace at madalas na umaalis kapag nandon si Ace sa kanila.
Minsan isang sabado habang pauwi si Ace, pakiramdam niya may sumusunod sa kanya. Kahit sa eskwela pakiramdam niya may laging nakamasid sa kanya. Araw-araw may mga pagkakataon na ganon ang pakiramdam niya. Hanggang isang araw, paglabas niya ng gate ng UST, may humintong Van sa harap niya. Bumaba ang isang lalaking may suot na bonet mask sa ulo, sinuntok siya sa sikmura at tinakpan ang ilong niya ng panyo na may kung anong masangsang na amoy at nawalan siya ng malay. Nagising siyang nakaupo sa isang silya, nakatali sa silya ang kamay at paa at nakablindfold siya. Nagpupumiglas si Ace. Nang biglang may nagsalita...
Lalaki: Huwag ka ng magpumiglas bata, kahit anong gawin mo hindi ka makakawala diyan. Kung sakaling makawala ka naman, hindi ka mabubuhay sa bala ng baril ko.
Narinig niyang ikinasa ng lalaki ang baril. May dalawang tao siyang naramdamang tumayo sa magkabilang gilid niya.
Ace: Sino ba kayo? Anong kailangan ninyo sa akin?
Lalaki: Ano sa palagay mo?
Ace: Manong, kung kidnap for ransom ho ito, nagkakamali kayo ng dinampot. Hindi ho ako mayaman. Working student lang ho ako, paaral ko ang sarili ko at magisa lang akong naninirahan dito sa Maynila. Baka ho napagkakamalan niyo lang ako.
Lalaki: Joshua Ace Benitez ang pangalan mo at graduating ng Architecture sa UST taga Davao.
Ace: Tama po kayo, pero hindi ho ako mayaman, wala hong ibabayad ang magulang ko sa inyo.
Lalaki: Maaring ikaw hindi mayaman pero ang girlfriend mo mayaman hindi ba?
Ace: Ho?
Mabilis na nagisip si Ace... "hindi siya makakapayag na madamay si Raine."
Ace: Sino hong girlfriend ko? Manong wala ho akong girlfriend.
Lalaki: Alam naming girlfriend mo si Raine Bryant, anak ni Damon at Ryzza Bryant, taga San Lorenzo. Yung mayari ng R&R International. Yun ang girlfriend mo!
Ace: Hindi ko ho kilala ang mga taong binabanggit ninyo.
Sinuntok siya sa sikmura ng lalaki sa kanan niya.
Lalaki: Umamin ka na para hindi ka masaktan.
Ace: Ano hong aaminin ko eh hindi ko nga kilala ang mga taong sinasabi ninyo. Kahit ilang ulit ninyo akong saktan ngayon wala ho talaga akong kilala sa mga taong yon.
Tinadyakan si Ace ng lalaki sa kaliwa. kasama siyang bumagsak ng silyang kinauupuan niya. Napaungol siya naipit ng silya ang dalawang braso niya.
Lalaki: Saan sila madalas magpunta? Anong oras sila umuuwi, bigyan mo kami ng detalye ng pamilya para makawala ka dito.
Ace: Wala akong alam, hindi ko kilala ang pamilyang hinahanap ninyo!
Binugbog siya. Kaliwa, kanan ang pagsuntok at pagsipa. Pero paulit-ulit niyang isinisigaw na hindi niya kilala ang mga taong sinasabi ng lalaki.
Lalaki: Matigas ka ha. Sige itali ninyo ang dalawang kamay niyan dyan sa gitna ng nakataas. Tignan natin kung hindi ka kumanta sa paddle.
Kinabahan si Ace sa narinig, yun ang mga ginagamit sa hazing ng mga frat at marami na siyang narinig na namatay sa hazing dahil sa sobrang pagkakapalo sa katawan. Nagdarasal siya sa isip.
YOU ARE READING
A Lost Faith (Leap of Faith Book 3)
RomanceRaine is not a typical girl, she was born with a golden spoon. She gets everything she wants. Yet, her life feels incomplete and something is not right. Maybe because unlike woman her age, she's aloof, quiet and an introvert. This story shows h...