Naunang dumating sa bahay nila Raine sila Ace sakay ng kotse ni Dean, kasama si Leslie at katabi ni Dean sa unahan. Pagpasok nila sa garahe, nagulat si Ace na may nakaayos na buffet table, lamesa at silya sa garahe at garden.
Ace: Oh Kuya Dean, ano na naman yan, abuso na ha ang dami namang surprise, nagpacater pa?Ang haba na ng listahan ng utang ko niyan,
Dean: Sila Ken lang ang nagayos niyan, puro gamit sa mansyon ang mga gamit na yan. Tutal naman daw wala silang celebration makikicelebrate daw sila Banjo kaya darating sila mamaya. Tapos ang parents mo ang daming dalang bigas at mga gulay. Si Uno ang nagpabili ng mga karne at sila Tay Leo, Nay Rio, Tita Dei, Mommy, Rose, Leslie, RR, Mama mo at si Iza ang mga nagluto.
Ace: Grabe naman kayong lahat.
Dean: Pero yang girlfriend mo ang may idea niyan at yung ticket sa eroplano siya ang kausapin mo.
Ace: Ikaw ha, you have a lot of explaining to do.
Raine: Sabi mo I can do special things for them. So, I did.
Ace: Kaya naman pala kung ano-anong tinatanong mo sa akin ha. Lagot ka mamaya sa akin.
Pabirong kinurot ni Ace sa tagiliran si Raine. Bumungisngis ito.
Dahil sa iba-ibang sasakyan mga nakasakay pagdating na sa bahay nila Raine, nagkaron ng pagkakataon na pormal na makilala ang magulang at kapatid ni Ace at makakwentuhan.
Magkakasunod na pumasok sa garahe ang sasakyan ni Damon, Denver, Jerome at Tisoy. Bumaba mula sa sasakyan nila Damon ang Mama ni Ace. Lumapit si Ace at Raine para alalayan sa pagbaba ang Papa niya.
John: Ano ba naman Alas, hindi naman ako imbalido, kaya kong maglakad magisa. Hirap lang akong maglakad ng malayo at tumayo ng matagal pero hindi ako inutil.
Damon: John, huwag mong sungitan yan anak mo natatakot sa yo ang dalaga ko.
Tinignan ni John ang nakatayong si Raine. Inabot ni Raine ang kamay niya at nagmano.
Raine: Good evening po Tito John, ako po si Raine.
Niyakap ni John si Raine. Ilang sandali, mahigpit.
Ace: Ehem, Pa, girlfriend ko yan.
Hinampas ni John si Ace.
John: Damuho ka, alam ko. Ako'y nagpapasalamat lang sa kabutihan nitong kasintahan mo.
Damon: Mabuti pa maupo na tayo at para maayos ang pagkukwentuhan.
Lumapit si Raine kay Amie. Nagbeso at yumakap dito.
Raine: Hello po, Tita.
Amie: Nice to meet you Hija!
Nagyakap naman sila ni Iza.
Iza: Ang ganda-ganda mo pala ate pano ka nabulag ni Kuya.
Ace: Close kayo?
Raine: Oo bakit may reklamo?
Ace: Wala naman nagtatanong lang.
Naupo sila sa mga couch na ipinalagay ni Damon sa garden.
Ipinakilala ni Damon ang buong pamilya kay John, Amie at Iza. Lumalapit ang mga ito at nakikipagkamay o bumebeso.
Damon: John, Eto ang panganay ko si Dean at ang girlfriend niya si Leslie. Ang bunso namin si Richie. Si Denver kapatid ng Misis ko at ang asawa niyang si Dei, ang panganay nila si Rose at asawa nitong si Tisoy at si Dennis ang bunso nila.
YOU ARE READING
A Lost Faith (Leap of Faith Book 3)
RomanceRaine is not a typical girl, she was born with a golden spoon. She gets everything she wants. Yet, her life feels incomplete and something is not right. Maybe because unlike woman her age, she's aloof, quiet and an introvert. This story shows h...