Isang linggo ng nakauwi ang magulang nila Ace, balik na ang magkapatid sa regular nilang araw. Dahil wala ng pasok sa eskwela si Ace. Inayos niya ang schedule niya ng umagang yon. Nagtimpla ng kape at naupo sa dining table kaharap ang organizer niya.
Lumabas si Uno, bitbit ang isang paper bag ipinatong sa dining table.
Uno: Pasensya ka na late na ang graduation gift ko sa yo.
Ace: Kuya hindi mo naman ako kailangang bigyan ng gift, gumastos ka na para sa pagkain nung party ok na yon.
Uno: I insist, malaki naman ang kinita ko don sa binayad ng R&R and kung hindi dahil sayo hindi naman ako mabibigyan ng chance para magpresent sa kanila so, yan ang parte mo and am sure magagamit mo yan.
Ace: Ano ba ito.
Nagulat si Ace isang HP laptop ang regalo ng kapatid.
Uno: Kumpleto na yan sa programs pati CAD meron yan. Kaya kapag gumagawa ka ng plano ng bahay ikakabit mo lang yan sa CAD Printer pwede na, mas madali para sa yo.
Lumapit si Ace sa kapatid at niyakap ito.
Ace: Salamat Kuya ha. Ang mahal nito, sigurado ka ba extra money mo lang pinambili mo dito?
Uno: Huwag kang magalala, hulugan yan, sa credit card. Naaprubahan yung application ko, dahil iginawa ako ni RR ng Company ID at Certification. Alam mo ba may consultant fee pa ako from them. Bawat punta ko babayaran nila ang kada oras na magtatrabaho ako. Kaya huwag ka ng magalala.
Ace: Ayos! Ang sarap lang ng buhay kapag ganito no Kuya?
Uno: Ano ba yang ginagawa mo?
Ace: Inaayos ko ang schedule ko.
Uno: Ano na nga ba ang magiging schedule mo?
Ace: 8am to 10am sa gym, 10am to 5pm sa Benbry, 6pm to 1am sa coffee shop.
Uno: So, tuloy pa rin yung sa gym at coffee shop.
Ace: Sayang naman kasi, dagdag kita din yon. Tapos habang nasa Benbry, magse-self study na din ako para sa Board Exam sa June yon eh.
Uno: Ah oo nga para magkalisensya ka na.
Ace: Napagusapan pala namin ni Raine na sabihin sa inyo na sa August na tayo umuwi ng Davao in time para sa Debut ni Iza. Kaya, kailangan makaipon tayo, para naman maipagparty natin si Iza.
Uno: Magandang idea yon, isurprise natin si Iza.
Ace: Yun nga ang balak namin ni Raine.
Uno: Sige count me in. Oh, kumain ka na dyan, nakaluto naman na ako. Maliligo na ako at may presentation pa ako sa isang kliyente.
Masayang dumaan ang mga araw linggo at buwan sa buhay nila Ace at Raine. Kahit medyo ginugulo pa rin sila ni Erol hindi na lang yon pinapansin ni Ace. Katulad ng isang gabi bandang alas dose. Halos patapos na ang araw ni Ace, tumambay ang Tres Muskiteros sa shop. Masayang nagkwentuhan at nagkainan habang nagliligpit sila Ace at Ken. Pumasok ang grupo ni Erol. Si Ken ang nasa counter at si Ace nagliligpit ng pinagkainan ng mga customer. Nakita ni Ace ang pagpasok nito pero deadma lang. Umorder ito kay Ken at naupo sa pang apatan na lamesa.
Sinipa ni Erol ang isang silya natumba.
Erol: Sorry, napalakas ipapatong ko lang sana ang paa ko eh.
Tinignan lang ni Ace si Erol at itinayo ang silya at inayos ito sa katabing lamesa. Nang matapos ni Ken ang inumin nila. tinawag nito si Erol. Tumayo si Erol para kunin ang inorder nila. Inalis nito ang takip ng isang frap at itinumba sa gilid ng tray tsaka naglakad paikot sa lugar tumapon ang frap at tumulo sa sahig sa paligid ng lugar. Napapailing si Ken.
YOU ARE READING
A Lost Faith (Leap of Faith Book 3)
RomanceRaine is not a typical girl, she was born with a golden spoon. She gets everything she wants. Yet, her life feels incomplete and something is not right. Maybe because unlike woman her age, she's aloof, quiet and an introvert. This story shows h...