Chapter 6 - Hopeless

1.5K 101 55
                                    

Dumaan ang linggong yon na lahat na ng raket pinatulan ni Ace.  Nag extra waiter, nagchoreograph ng cheer dance,  nagdrawing ng mga project ng iba, nagkitchen helper sa isang restaurant ng hotel at pati na pagbaby sit sa anak ng kapitbahay nila sa condo ginawa niya. 

Pagdating ng Huwebes ng gabi, binilang niya ang mga kinita niya sa mga raket niya.  Two thousand eight hundred lang.  Tapos tatlong araw na lang deadline na ng graduation fee.

Sa inis,  nahampas ni Ace ang lamesa.  Napalabas ng kwarto si Uno.

Uno:  Ok ka lang Bro?

Ace:  Sorry Kuya.  Nakakainis kasi eh grabe na ang pagod ko sa mga raket ko, pati puyat tapos eto lang.    Tapos tatlong araw na lang at wala na akong mahanap na ibang raket.  Peste talaga!

Uno:  Magkano pa ba ang kulang?

Ace: Two thousand two hundred pa eh.

Uno:  Eh di gamitin mo muna yung perang ipapadala ko, sa katapusan ko pa naman kailangan yon eh.

Ace:  Kuya, papano kung wala akong makuhang racket baka hindi ko maibalik agad ikaw naman ang mamrublema eh.

Uno:  Eh, anong balak mong gawin?

Ace:  Wait another sem to graduate.  Maiintindihan naman nila Mama yon. Hindi naman ako bumagsak dahil hindi ako nagaaral. Incomplete lang ang projects ko.   Ayoko na talagang i-stress ang sarili ko eh.  What's another sem, tutal gagraduate naman madedelayed nga lang.

Uno:  Or you have another option take the Job RR offered and make another portrait kahit naman mababa ang magiging grade mo at mahila non yung iba hindi ka pa rin babagsak at sigurado kang makakapagmarcha ka.

Ace:  Papano naman yung repotasyon ko?  Baka mapagkamalan akong macho dancer Kuya.

Uno:  Matagal ko ng kilala sila RR at bestfriend ko ang asawa niya.  I am sure, sasabihin niya sa mga guest na hindi mo talaga trabaho yon.  Hindi din naman basta bastang mga tao ang bisita may mga pinagaralan so I don't think na matsitsismis ka.

Ace:  Bahala na Kuya.

Hindi makatulog si Ace ng gabing yon.  Biling baligtad sa kama. Pinagiisipan ang tungkol sa trabahong alok ni RR.  Pilit niyang binalikan ang paguusap nila ng Kuya niya at ang paguusap nila noong nagiinuman sila. Biglang pumasok sa isip niya ang sinabi nito tungkol sa Dodge SUV. Kinausap ang sarili... "Ibig niyang sabihin piling mga tao pa lang ang may ganon at kung totoo ang sinabi ni Kenneth na pamilya ni Ms. Portrait ang mayari ng R&R International, eh di sila din ang naghahandle ng R&R Motors kaya may ganon silang sasakyan.  Sa R&R nagtatrabaho si Ate RR, so most probably pwedeng may mga bisita doon na connected kay Ms. Portrait.  Hindi kaya may makapagsabi sa akin kung papano ko siya maco-contact?  Isa pa sabi niya pamilyar daw ang mukha ni Ms. Portrait sa kanya so malamang na nakita na niya ito sa mga gathering.  Kapag nagkataon may pambayad na ako tapos may chance pa akong mahanap siya at makausap. Eh di solve ang lahat ng problema ko."  Nakatulugan na niya ang pagiisip.

Kinabukasan dumaan siya sa  Cashiers office ng kanilang Universidad at tinanong kung kailan ang deadline ng payment ng graduation fee.  Nang masigurong lunes na nga... sinubukan niyang tawagan ang Kuya niya para kunin ang number ni RR. Pero busy ang telepono nito.  May mga quizzes siya nang araw na yon kaya naging abala siya sa skwelahan at panandaliang nakalimutan ang tungkol sa problema niya.  Papalabas na siya ng gate ng masalubong si Prof. Steven.

Prof.  Steven:  Benitez, tapos na ang klase mo?

Ace:  Opo Sir.

Prof.  Steven:  Kamusta, may grade na ba ang portrait mo?

A Lost Faith  (Leap of Faith Book 3)Where stories live. Discover now