Sabado ng umaga, nagising si Ace bandang alas nueve. Bumangon, naghilamos, nagtoothbrush at nagbihis ng gym outfit niya. Lumabas ng salas at inabutan niya doon si Uno na kumakain ng breakfast.
Uno: Good morning Bro! May raket ka sa gym?
Ace: Wala Kuya, maggy-gym lang ako. Gagalitin ko ang biceps at abs ko para ready sa performance ko mamaya. Ikaw? Wala kang pasok?
Uno: Wala, pero may lakad ako mamayang after lunch. Stag party nung groom ng pamangkin ni RR. Imbitado ako.
Ace: Buti ka pa sa stag party imbitado ako sa Shower party. That's unfair!
Uno: Eh ikaw may profit ako wala, free food, drinks and fun lang. Ikaw kikita na may makikita pang magagandang view. Balita ko pajama party daw yung shower party eh. Malamang mga nakaneglige.
Ace: Oo nga no? Bakit hindi ko naisip yon? kasi hindi ako katulad mo puro katawan ng babae ang nasa utak mo eh.
Uno: Alangan naman katawan ng lalake.
Nagtawanan sila.
Ace: Teka stag party, eh bakit hapon?
Uno: Hindi ba nga dating semenarista yung groom, kaya swimming party at lasingan blues lang. Walang babae.
Ace: Ay boring!
Uno: May kantahan naman kasama yung singer ng Parokya ni Edgar.
Ace: That's cool!
Uno: Anong lunch ang gusto mo?
Ace: Ako ng bahala Kuya, I will just have some veggie salad sa Coffee shop later.
Uno: Aba, talagang ayaw lumaki ang tyan.
Ace: Nakakahiya naman kay Ate RR kung mamaya lumabas ang tyan ko eh. Ang laki ng ibabayad sa akin yun pala naman hindi abs kung hindi flabs ang meron ako.
Natawa si Uno. Matapos magkape nagpaalam na si Ace sa kapatid. Dalawang oras siyang nagexercise at nagweights sa gym. Pagkatapos nagtungo sa simbahan at nanalangin. "Lord, salamat po sa mga rakets na binigay ninyo pero konting tulong pa po. I really need to find her. Patawarin na din po ninyo ako kung kasalanan itong gagawin ko pero kailangan ko lang talaga ang pera na kikitain ko. Sana po naiintindihan ninyo."
Dumaan muna siya sa grocery para bumili ng salad niya, naisip niya mas mura yon kaysa yung nasa shop. Bitbit ang pinamili, umuwi siya sa condo. Mayamaya, nagring ang phone niya sinagot niya ito.
Ace: Hello?
RR: Ace si RR 'to.
Ace: Hi Ate, may changes ba?
RR: Wala, naalala ko tinanong mo kung kailangan ng waiter sa reception. Kailangan ko pala kasi nagpacater sa bahay ng dinner sa Sunday. Eh feeling ko kulang ang waiters nila so I need some. Ilan ang pwede mong papuntahin?
Ace: Apat po. Anong oras po kailangan?
RR: Around 6pm. Sige, papuntahin mo na lang itext ko sa yo ang address.
Ace: Okay po, ate ako, anong oras mamaya?
RR: Around 9pm I'll meet you sa The Peninsula Manila, sa lobby. Text text tayo.
Ace: Ok ate, thanks!
Pagkakain niya pinuntahan niya si Bernie sa bahay nito para sabihin ang tungkol sa trabahong nakuha niya para sa mga ito. Pagkatapos tinawagan naman nila si Jake, Justin at Banjo. Bumalik siya sa condo at natulog. Bandang alas syete na ng magising sila. Pumasok sa banyo at naligo. Nang magbihis, isinuot ang ripped off jeans, white v-neck na fitted hanes at ang blue blazer niya at rubber shoes na puti.
YOU ARE READING
A Lost Faith (Leap of Faith Book 3)
RomanceRaine is not a typical girl, she was born with a golden spoon. She gets everything she wants. Yet, her life feels incomplete and something is not right. Maybe because unlike woman her age, she's aloof, quiet and an introvert. This story shows h...