Kabanata 1: Simula

203K 3.2K 682
                                    

|| Dessy Leondale's Point of View ||


“Ayoko nga sabing sumama sa trip ninyo. Kung gusto n’yong maglasing, kayo na lang. Bahala kayo!”

Inis kong inalis ang kamay ni Tim sa damit ko. Ayaw niya akong bitawan paalis ng cafe dahil gusto niyang sumama ako mamayang gabi sa club na pupuntahan nila.

Bukod kasi sa alam kong mag-aaksaya lamang sila ng oras doon, mapapahamak lang din siya. Baka mamaya mabalitaan ng magulang niya ang pinaggagagawa niya.

“Hindi naman kasama si Ken! ‘Wag ka na kasing maarte! Libre na nga ni Boss ayaw mo pa!” Banta sa skin ni Tim at hindi pa rin inaalis ang kamay sa damit ko.

Pati iyong sikretong pagtatrabaho sa restaurant ay hindi rin alam ng kaniyang mga magulang. She comes from a wealthy family pero heto siya’t sinusuway sila.

Kahit papaano, hindi ko rin naman masisisi si Tim, she was being controlled by her parents. Para siyang taong robot kung tutuusin dahil panay ang sunod lamang nito sa kanilang mga utos.

Pilit ko pa ring inaalis ang kamay niya sa damit ko. Halos makuha na namin ang atensyon ng mga customers dito sa loob ng café.

Napahawi ako sa aking buhok at impit na kumagat ng labi, “Tigil tigilan mo nga ang pagbanggit sa pangalang niya! Nag-iinit ang ulo ko kapag naririnig ko iyan.”

Napabuntong-hininga si Tim sabay tawa ng malakas. Nakakahiya iyong bunganga niya sa sobrang lakas ng tawa. Parang bata. Parang kulang sa aruga ng mga magulang.

“I knew it! You’re still can’t move on, right? Hindi mo pa rin matanggap na wala na siya that’s why you’re refusing!” Binitawan niya ang damit ko at nakaduro ang daliri sa aking mukha.

Siraulong babae ito, gumagawa pa talaga ng isyu!

“Tsk! Tignan mo itong impaktang ito! Bahala ka na nga diyan! Mga walang kwenta ang sinasabi mo.” 

Iniwan ko siya roong nakatayo. Itinulak ko ang pintuan ng café at hindi na siya nilingon.

“Dessy!”

Hindi pa ako nakakapara ng cab ay bigla na naman siyang humawak sa akin. Sa bag ko pa! Ang kulit talaga ng babaeng ito.

“Ano ba, Tim. Hindi nga ako sasama!” Inis kong sabi sa kaniya.

Ngumuso siya at humarang sa daraanan ko. “Sumama ka na. Hindi makakasama si Chasten kapag hindi ka kasama. Do me a favor please,” pinisil niya ang kamay ko. “Come with me na.”

Ayun naman pala, kaya niya ako pinapasama dahil sa ulupong na si Chasten na iyon? Tsk, crush niya si Chasten pero parang sa akin interesado ang ulupong na iyon, tapos gusto pa  niya akong isama.

Dapat nga hindi na niya ako isama para makapag-usap naman silang dalawa.

Bobo na nga ako. Bobo pa rin siya. We’re the co-presidents of Club Bobo. Nice tandem!

Huminga ako ng malalim at pineke ang ngiti. Hinawakan ko siya sa balikat.

“Tim,” I paused. “Kahit kailan talaga pasaway ka!” Napahilot ako sa sentido at muli siyang sinamaan ng tingin, “Ako na ang bahala kay Chasten—“

He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon