|| Dessy Leondale's Point of View ||
Dalawang araw bago maganap yung pagkakakidnap at ang pagkakabaril kay Cal. Wala na din sya sa hospital sa mga oras na 'to. Sabado at linggo ang nilaan nyang pagpapahinga sa hospital at nabalitaan ko noong lunes na umuwi na sya sa bahay nila at papasok na bukas.
Kasalukuyan naman kaming nakaupo at hinihintay matapos ang Chemistry subject ni Professor Mariano. Wala naman akong gana makinig at nagsusulat lang ako ng kung ano anong salita sa likod ng notebook ko. Iniisip ko pa rin kasi kung ano ang una kong sasabihin kay San gayong nandito na ulit sya sa school.
Kababalik nya lang ulit ngayong Monday at nasa junior high building sya. Napakalapit ng building na pinapasukan nya sa building namin.
"Okay, class dismiss. Please don't forget to bring magnifying glass tomorrow for our next activity. Hope you'll learn a lot today. Good bye." Kinuha ni Professor Mariano ang mga gamit nya at mabilis na lumabas ng room.
Ang ilan ko namang mga kaklase ay lumabas na rin ng classroom para maglunch break. Sandali muna akong tumungo at ipinatong ang noo sa desk para magpahinga ng ilang minuto.
Hindi ko din kasi kaklase si Tim sa subject na 'to at hindi ko din kaklase si Duri. Buti naman kung ganon, maiiwasan ko din ang makita sya kahit isang oras man lang.
Habang nakapatong ang ulo ko sa desk, bigla na lang akong nagulat nang may maramdaman akong malalig na tubig na bumuhos sa buhok ko. Agad akong napatayo at tumingin sa may gumawa noon. Pero bago pa ako makapagsalita, may lumapat na agad na kamay sa pisngi ko at malakas nya akong sinampal.
Hindi pa ako nakakabawi nang bigla na naman nila akong buhusan ng milk shake, orange juice, spaghetti at kung ano ano pang pagkain na hawak nila.
Inis akong tumingin kay Mia at sa mga kasama nyang babae. Tinataasan nila ako ng kilay at nakangisi pa habang tinitignan ako. Nag-iinit ang pisngi ko. Hindi ko alam kung dahil sa lagitik nyang sampal o dahil inis na inis ako sa pagmumukha nya.
Masakit yung ginawa nyang pagsampal sakin at hindi ako papayag na hindi ako gaganti. Hindi din ako papayag na tapunan nila ako ng ganito. Punyeta.
"Ano bang problema nyo?" Inis na sigaw ko at akmang susugurin ko na si Mia nang may humarang na dalawang babae sa daraanan ko.
"Don't you dare Dessy," Banta nila sakin habang umiiling iling.
Napakuyom ako ng dalawang kamay at kagat labing tumingin sa kanila. "Kapag hindi kayo umalis dyan, tatadyakan ko kayo." Inis na sabi ko sa dalawa. Pero imbis na umalis at matakot sila, mas pinanindigan nila ang pagtayo sa harapan ko.
"Bitch," Napatingin naman ako kay Mia nang sabihin nya 'yon. Masama ang tingin nya sakin pero sinamaan ko din sya ng tingin. Sinasabi ko na nga bang hindi nya basta basta palalampasin yung nangyari noong party. Punyetang babae 'to.
Napangisi ako nang sya na mismo ang lumapit sakin, "Hindi ka ba nahihiya?" Napataas ang kilay ko nang itanong nya 'yon.
"Ano namang ikakahiya ko?" Maang ko sa kanya. May dapat ba akong ikahiya kung wala naman akong ginagawang masama?
Napatawa si Mia ng bahagya at pinagcross pa ang dalawang braso, "Hindi mo ba alam na marami ng estudyante ang galit sayo? Not only me but everyone."
BINABASA MO ANG
He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - Completed
Teen Fiction"Ang dami mong sinasabi," nakangising sabi niya at inilapit ang bibig sa aking tenga. "Yeah, maybe I'm not a good guy. I'm the selfish one. I take what I want, I do what I want. I don't do the right thing but when it comes to you, I can change every...