Kabanata 9: Ruled

39.1K 1.2K 118
                                    

|| Dessy Leondale’s Point of View ||


Alas dose na nang matapos ako sa pagdo-drawing. Pagkababa ko ng pencil sa ibabaw ng sketch pad, kasabay noon ang pagkalam ng tiyan ko.  Hindi pa nga pala ako kumakain.

Napahilamos ako sa mukha at itinuon ang dalawang siko sa ibabaw ng lamesa. Bahagya lang akong nagpahinga at ilang sandali pa’y tumayo na rin.

Iniwan ako ni Duri kanina at hindi pa rin siya bumabalik hanggang ngayon. Nasa loob ako ng malaki niyang kwarto.

Ngayon ko lang nailibot ang buong tingin dito at hindi ko maiwasan ang hindi mamangha sa mga nakikita.

Bukod sa malaki at malawak ito, ang gaganda rin ng furnitures at display ng kwarto. Navy blue ang kulay ng dingding pati na rin ang bed sheet. Samantalang kulay white naman ang kulay ng kurtina na nakasabit sa dalawang malalaking bintana.

He’s such a fan of sexy and big chested girls, huh? Puro katawan ng babae ang nakikita kong painting dito sa loob ng kwarto n’ya. And oh, such a playboy also!

Napabuntong-hininga ako nang maisip kong lumabas at hanapin siya. Hindi ako pwedeng magtagal pa rito dahil may pasok pa bukas. Ilang oras na naman kaya ang maitutulog ko?

Saan ba ‘yon nagpunta?

Nilakad ko lang ang hallway paglabas ng kwarto niya at kumanan ako. Panay ang libot ko ng aking tingin at nang may makita akong lalaking nakatalikod at nakatayo sa napakagandang balkonahe ay hindi na ako nagdalawang-isip na pumasok doon.

Bukas naman ang sliding door kaya okay lang.

Tumikhim ako at bahagyang lumapit kay Duri. Kahit nakatalikod, alam kong pinagmamasdan niya ang mga ilaw na nanggagaling sa buildings. Maganda iyon at nakakaakit.

“Natapos ko na. Pwede na ba akong umuwi?” tanong ko.

Hindi siya sumagot at sa halip ay sumimsim sa hawak niyang wine glass. Ngayon ko lang napansin ang nasa kabilang kamay niya. Umuusok ito at may sindi. Inip-ip niya iyon.

Umirap ako. “Iiwan ko na lang dito.” Ipinatong ko iyom sa maliit na table at akmang aalis na nang bigla siyang humarap.

“May sinabi ba akong umalis ka?” bigla niyang usal. Napatalon ako dahil sa gulat.

“Hindi ka naman nagsasalita kaya paano ko malalaman?” pabalang kong sagot sa kan’ya.

“Just stay here. Dito ka na titira.”

Pinanlakihan ako ng mata. “A-ano? Nahihibang ka na ba?” Kunot-noo kong tanong.

“I mean it. ‘Pag sinabi kong dito ka titira, you’ll stay here. Don’t fucking ask any questions!” sigaw nito.

Umiling ako. Nababaliw na talaga ang isang ito. “At sino ka para sundin ko? Hindi kita kilala at bakit ako titira rito?” sigaw ko ring anas sa kan’ya.

Dahan-dahan siyang lumapit sa’kin at nang may maabot na lamesa ay ipinatong niya ang baso roon. Wala na rin naman ang hawak niyang sigarilyo. Marahil ay naitapon na niya iyon kanina.

Pinanatili ko lamang ang masamang tingin sa kan’ya. Hindi na ako kailanman magpapatalo sa takot dahil sobra na s’ya!

Ngumisi ito nang makalapit. “Hindi mo alam ang pinasok mo, Leondale. You just need to obey me to stay safe.” Nagulat ako nang bigla niyang haklitin ang braso ko at ilapit sa kanya. “Dahil sa kapabayaan mo, you’re putting your life in the line. Wala kang alam na pwedeng gawin ng masasamang tao kagaya ko. Your life is not normal as what you expected, so don’t act like one.”

He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon