|| Dessy Leondale's Point of View ||
Kasalukuyan pa rin akong nakatingin sa nag-uusap na magkapatid sa harapan namin. Bumalik lang ang atensyon ko sa paligid nang sikuhin ako ni Tim.
"Dessy."
Nang lingunin ko si Tim, para naman syang nangingisay sa sobrang kilig pero hindi nga lang nya maipakita ang sobrang pagkakilig dahil makikita sya ni Duri. Nanggigigil lang syang nakahawak sakin habang ang tingin ay nakay Duri.
"Shit? Anong ginagawa din nya dito? Oh my god, tignan mo nga ako." Pabulong na sabi ni Tim sakin at hinawakan nya ako sa dalawang pisngi at pinaharap sa kanya. "May liptint pa ba ako? Oily ba ko? Yung kilay ko, okay pa rin ba?"
Sunod sunod na tanong nya habang nakatingin sakin na para bang ako ang taong salamin nya. Ito talagang babaeng 'to.
Ngumuso ako at biniro sya, "Hindi. Haggard ka na." Pero ang totoo, mapula pa rin ang liptint nito hindi naman gaanong oily face at ayos pa naman ang drawing nyang kilay.
"Oh my god? Seryoso?" Mangiyak ngiyak nyang tanong habang nakatalikod sa busy pa ring magkapatid na nag-uusap. "Wait lang, cr lang ako." Aalis na sana si Tim nang hilahin ko ng marahan ang buhok nya.
"Echosera ka. Binibiro lang kita. Maganda ka pa rin. 'Wag kang mag-alala." Napanguso ako habang nakatingin sa kanya at inaayos ang bangs nya, "Tsaka, umayos ka nga. Para kang kiti kiti dyan, nakita mo lang si Duri, hindi ka na mapakali."
Puna ko sa kanya pero alam ko sa sarili ko na parehas lang kami ng nararamdaman kapag nasa harapan na namin si Duri...pero ibang iba yung akin kumpara sa kanya. Si Tim, may pagtingin sya kay Duri, ang sakin naman, inis at kumukulo ang dugo ko dahil tuwing nakikita ko kung paano sya ngumisi, naaalala ko ang ginawa nyang pag-angkin sa labi ko kagabi!
Umiling ako at hindi ko na iyon muling inisip pa! Isipin ko na lang na walang nangyari. Umakto ka ng normal!
"Sino ba naman kasi ang mapapakali kapag nandyan lang sa tabi-tabi yung taong gusto mo? Alam mo ba 'yung tipo na parang kailangan mong maging maganda tuwing nandyan lang sila. Ganon naman ang mga lalake, eh. Mapapansin ka lang kung maganda ka." Pabulong na drama ni Tim at nilingon ang dalawang magkapatid.
Mali siya...pero tama rin. Boys will only noticed you if you're pretty, sexy and have a blessed chest.
Nagkibit balikat na lang ako at ibinalik muna ang tingin sa mga gowns, wala pa akong nakikitang simpleng babagay saakin.
Sumunod si Tim sa'kin habang sinusuri kong mabuti ang kulay itim at puting long gown na suot ng manniquin. May mga itim itong burda na nakalagay sa laylayan ng gown kaya nakuha nito ang atensyon ko.
"Ang ganda nyan! Simple pero parang bagay sa katawan mo." Sa sobrang lakas ng sigaw ni Tim, napatingin samin sina San, Tita Poppy, pati na rin si Duri.
"Ang lakas talaga ng boses mo." Bulong ko kay Tim habang kunot noong nakatingin sa kanya.
Napahagikhik lamang si Tim at hindi na pinansin ang pagkainis ko.
"Gusto mong i-try natin sayo?" Napatingin kami ni Tim sa lumapit na si San. Nakatingin sya sa damit na nagustuhan ko pagkatapos ay lumipat ang tingin sakin.
Nag-aalangan naman akong ngumiti dahil nakatingin sakin ng masama si Duri, "Ah-ano, hindi na. Tinitignan ko lang naman."
"No. You should try. Tignan natin kung bagay." Suhestyon naman ni Tita Poppy at hinawakan pa ang balikat ko.
BINABASA MO ANG
He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - Completed
Teen Fiction"Ang dami mong sinasabi," nakangising sabi niya at inilapit ang bibig sa aking tenga. "Yeah, maybe I'm not a good guy. I'm the selfish one. I take what I want, I do what I want. I don't do the right thing but when it comes to you, I can change every...