Kabanata 43: Bully

27.1K 758 190
                                    




|| Dessy Leondale's Point of View ||



"Dessy? Ayos ka lang ba? Kanina mo pa hindi ginagalaw 'yang pagkain mo." Nakapangalumbaba akong binalingan ng tingin si Tim. Magkasalubong ang kilay nito at nagtatakang nakatingin sakin.

Muli kong tinignan ang pagkain ko na lumamig na. Hindi ko alam kung bakit wala akong ganang kumain. Nakalipas na naman ng dalawang araw yung ginawa sakin ni Cal at itinatak ko sa isip ko na ginawa n'ya lang 'yon dahil mahal n'ya ako. Pinapatawad ko na rin s'ya sa ginawa n'ya. Mahal ko rin s'ya kaya kakalimutan ko na lang 'yon.

Balita naman sa buong campus na mawawala si Duri ng ilang linggo dahil magbabakasyon daw ito sa Batangas. Kaya pala hindi na kami nagkita kaninang umaga pero mabuti na rin 'yon para hindi kami magkita at magkausap kahit ilang linggo man lang. Sana pagkabalik n'ya bugahan s'ya ng mabuting hangin para naman magbago bago na ang ugali n'ya.

Pero hindi na rin naman masama ang ugali ni Duri. Napapansin ko minsan na parang walang halong biro o kahit anumang kagaguhan ang mga pinapakita n'ya sakin. Minsan nga nakokonsensya na ko dahil sa pagiging suplada at mataray ko sa kanya. Pero hindi naman masama ang mag-ingat 'di ba? Iniingatan ko lang ang sarili ko sa mga posibilidad na pwedeng mangyari.

"Ano ba kasing problema mo?" Dinig ko ulit na tanong Tim.

Naibalik ko naman agad ang konsentrasyon ko sa paligid. Umiling ako at bumuntong hininga. Hindi ko pwedeng sabihin sa kan'ya ang nangyari samin ni Cal at ang ganoong mga pangyayari ay hindi dapat na ikinukwento't ikinakalat pa.

Tinignan ko si Tim dahil parang kanina pa n'ya akong pinagmamasdan. Naiilang ako.

Nagtama naman ang mga mata namin ng maabutan ko s'yang nakatingin sa leeg ko. Napakurap naman ako at napahawak sa leeg.

"Anong nangyari d'yan? Bakit may band aid?" Itinuro n'ya ang parte kung saan nakalagay ang band aid.

Nilagyan ko 'yon ng band aid dahil noong tumingin ako sa salamin ay napansin kong mapula ito. Naalala ko yung ginawang paghalik ni Cal sa leeg ko, hindi 'yon basta halik dahil nasaktan ako sa ginawa n'ya.

Napahawak ako sa leeg ko at mariing pumikit. Lumunok ako't humanap ng ipapalusot sa kanya. "Ah, ano. Nakamot ko s'ya kagabi tapos sa sobrang diin kong kumamot, nagkaroon ng kaunting scratch. Tsaka, maliit lang naman. Hayaan mo na." Pilit akong ngumiti at muling umiwas ng tingin sa kanya.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Tim at ang maingay na pagbaba n'ya ng kutsara't tinidor sa kanyang plato.

"Dessy," Nilingon ko s'ya ng tawagin n'ya ang pangalan ko. Nakangiti ito at nagpa-puppy eyes pa."Kung ayaw mong kainin 'yang inorder mo, kakainin ko na lang 'yan. Ang lamig na oh. Sayang naman. Hehe." Akmang kukunin na ni Tim ang plato ko nang bigla kong tapikin ang kamay nito at tignan ng masama.

"Kauubos mo lang nung iyo oh. Umorder ka ulit do'n kung nagugutom ka, wag kang tamad." Mahinahon kong sabi sa kan'ya at isinubo ang karneng nakalagay sa plato.

Sumimangot si Tim. Kinuha n'ya sa pink na pack bag n'ya ang hello kitty wallet n'ya at napilitang tumayo. "Okay sige na. Mahaba pa naman ang recess. Wait mo ko dito ah."

Tinanguan ko na lang ito at tumingin sa labas. Napakagat ako sa pang-ibabang labi at itinuon ang dalawang siko sa table. Itinaklob ko ang dalawang palad ko sa mukha ko at malalim na bumuntong hininga. Ano ba 'yan Dessy? Ano bang nangyayari sayo? Bakit wala ka sa mood? Bwisit.

He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon