|| Dessy Leondale's Point of View ||
"Nasaan si Tita?" Hinahapong tanong ko kay Zeke nang tumakbo ako papasok sa bahay.
Nadatnan ko sina Zeke na nakatayo roon at nag-uusap. Tumigil lang sila nang makitang dumating ako.
Lumapit sa kinatatayuan ko si Zeke. "She's already taken by the ambulance." Kitang kita ko sa mga mata n'ya na apektado rin ito sa mga nangyayari.
Hanggang ngayon ay wala pa ring malay si San at nakahiga pa rin ito sa sofa. Lahat kami ay mabibigat ang mga hiningang inilalabas.
"Where is he?" Tanong muli sakin ni Zeke. Nakaramdam na naman ako ng paninikip ng dibdib kaya napalunok ako ng laway.
Umiling ako at napahilamos sa mukha dahil ng mga luhang bumagsak kanina. "Hindi ko alam kung saan s'ya papunta pero Zeke," Lumunok ako at kusang pumatak na naman ang mga luha ko. "Kasalanan ko ata kung bakit namatay ang Mama ni Duri."
Nang sabihin ko 'yon ay kamuntikan na ang bumagsak dahil sa panlalambot ng tuhod ko. Nahawakan lang ako sa braso ng isang lalaki para makatayo.
Sinalo rin ako ni Zeke at pinaupo nila ako sa sofa.
"Reidge, get some water, bilis!" Rinig kong sigaw ni Zeke sa kasamahang grupo.
Matapos kong inumin ang tubig ay pinakalma muna nila ako. "Ayos ka lang? You look pale." Tanong sakin ni Zeke.
Tumango ako.
Kumunot ang noo ni Zeke at lumapit pa ng bahagya sakin, "Then, what do you mean by that, Dessy? Anong alam mo?" Tanong nito.
Inabot ko sa kanya ang hawak kong papel at hinayaan syang basahin at kunin ito.
May parte sa papel na pinunit ako. Hindi ko binuo ang mensaheng nakasulat doon dahil pinunit ko ang huling sinabi ng Mama ni Duri—tungkol sa pendant.
Hindi ko alam kung bakit ko 'yon pinunit pero pakiramdam ko, si Duri lang ang dapat makaalam noon gaya ng sinabi ng Mama nito sakin.
Napatayo si Zeke pagkatapos nya iyong basahin. "Where did you get this? Who wrote this?" Magkasunod nitong tanong.
"Binigay 'yan sakin ng Mama ni Duri noong isang araw," Napatigil ako sa pagsasalita. "At ang tanga ko kasi hindi ko agad naibigay kay Duri ang sulat na 'yan. Kung naibigay ko lang sana agad, edi sana buhay pa s'ya." Napapaiyak kong tugon.
Hinawakan nya ako sa balikat, "Wala kang kasalanan. Hindi mo alam na mangyayari 'to so, don't blame yourself Dessy." Pagpapakalma nito sakin.
Hindi na lamang ako nagsalita at tinignan ang nakakaawang nakahigang si San. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon n'ya kapag nalaman nya ang tungkol dito.
Baka kagaya ko, sisihin nya rin ako sa kapabayaan ko.
"I think I know where is he." Napatingin ako kay Zeke.
Wala sakin ang atensyon nya, nakatingin ito sa mga kasama n'ya at ito ang kanyang kinakausap.
"He's at the Alphabutlers place. He's biting their trap at sigurado akong talo si Duri sa lagay na 'to." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.
"Ano pang hinihintay natin? We should go after him." Sabi ni Reidge.
Agad akong tumayo at lumapit sa mga ito. "Sasama ako," Walang pag-aalinlangang sabi ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - Completed
Teen Fiction"Ang dami mong sinasabi," nakangising sabi niya at inilapit ang bibig sa aking tenga. "Yeah, maybe I'm not a good guy. I'm the selfish one. I take what I want, I do what I want. I don't do the right thing but when it comes to you, I can change every...