Kabanata 42: Cupid's Arrow

27K 939 228
                                    



|| Duri Salcedo's Point of View ||


Nakababa na ako ng sasakyan at papunta na ako ngayon sa room nang biglang magring ang phone ko.

Mr. Jiang is Calling

I swipe the green button and answer his call. Isa si Mr. Jiang sa kanang kamay ni Boss at s'ya rin ang makakasama ko papunta sa Batangas next week.

"Mr. Jiang?" Tugon ko sa tawag n'ya. Kasalukuyan akong nakatayo malapit sa gate at pinapanuod ang mga estudyanteng dumadaan sa harapan ko.

Ang iba pa sa mga babaeng nakikita ako ay pasimpleng kinukuhanan ako ng litrato at naghahampasan pa. Tumalikod ako sa kanila para hindi na sila makakuha ng magandang shots.

"8 PM at Seven Conzasta Basement." Hindi pa ako nakakasagot nang bigla na itong pinatay ni Mr. Jiang.

Napailing na lang ako at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Nagsimula na akong maglakad papuntang classroom habang dinadial ko ang number ni Dessy. Hindi na ako nakaattend ng klase maghapon dahil sa hangover ko kagabi pati na rin yung mga gagamitin kong mga baril na dadalhin ko sa Batangas. Ipinagsisilid ko na sila sa packbag ko bago ako umalis. Hapon na rin naman at isasama ko na si Dessy pauwi para kumain sa labas. I also need to talk to her. Ipapaalam ko sa kanyang pupunta ako ng Batangas even though see doesn't care at all.

I also doesn't care but I need to give her a reminder na kahit wala ako sa tabi n'ya ng ilang weeks, I want to remind her that she's mine.

Napatingin ako sa cellphone ko nang wala itong sumasagot.

"The number you have dialed cannot be reached from your calling area."

Nakailang missed calls na ako pero hindi n'ya pa rin sinasagot. Inilagay ko na lang sa bulsa ko ang cellphone at mabilis na naglakad papuntang room.

It's only 4 PM, mamaya pang 4:30 ang uwian kaya imposibleng nakauwi na s'ya.

Fuck, bakit ba n'ya hindi sinasagot ang mga tawag ko. Kapag sinasagot n'ya, she keeps me on waiting for her that fucking so long.

Napatigil ako sa paglalakad nang matanaw ko si Dessy na nakatungong lumalakad diretso papunta sakin. I smirked and wait her to come over me. I put my hands on my pocket while waiting for her pero agad ring nawala ang ngisi sa mga labi ko nang mapansing hindi normal ang paglalakad n'ya at para s'yang matutumba.

Kunot-noo akong naglakad papalapit sa kan'ya at nang malapit na ako dito ay muntik na s'yang matumba, buti na lang ay nahawakan ko s'ya sa pulsuhan at sa balikat n'ya.

I wrinkled my forehead as I see her crying. Pinasadahan ko s'ya ng tingin at mas kumunot ang noo ko nang makita kong magulo ang buhok nito. Napamura rin ako nang makita ko na namumula ang leeg nito pati may bakat ng daliri sa mapayat n'yang braso.

"What happened?" Tanong ko sa kan'ya nang magtama ang aming mga paningin.

Umiling lang ito at inalis ang mga kamay ko sa kanya pagkatapos ay naglakad papalayo sakin.

Inis ko s'yang hinabol. Nang makalapit ako ay hinawakan ko s'ya sa pulsuhan at hinigit papunta sakin.

"Ano bang nangyari?" Inis kong tanong sa kanya pero patuloy pa rin s'ya sa pag-iyak at pagtutulak sa'kin.

"Duri, bitiw." Umiiyak n'yang utos sakin.

I gritted my teeth at mas hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kanya. "No." Kontra kong sabi sa kanya.

He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon