Kabanata 51: Sacrifice

27.5K 779 129
                                    





|| Dessy Leondale's Point of View ||



Naramdaman ko ang mahigpit na pagtatali sa buong katawan ko sa kinauupuan ko. Pinilit kong imulat ang mga mata kong medyo nakakaalinaw na ngayon. Naalala ko ang nangyari kanina at doon ako nabuhayan ng pag-iisip nang maalala ko si San.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong silid at palagay ko'y nasa isang bakanteng bahay kami na hindi na natitirhan. Nasa harapan ko ang isang bubog na lamesa kung saan may nakapatong na isang bote ng wine at tatlong shot glass dito. Napakunot ang noo ko nang nahagip ng mata ko ang papalapit na si Lennox sa kinauupuan ko. Sinubukan kong gumalaw para sana umalis sa pagkakatali sakin pero masyadong mahigpit ang lubid na nakatali saakin.

Sino pa nga ba ang gagawa nito kundi s'ya lang. Nanginginig ang buong katawan ko sa galit nang umupo si Lennox sa harapan ko.

"Nice to see you again, Dessy." Ngumisi ito sa'kin nang matapos n'yang sabihin iyon.

Nagpapalag pa rin ako sa upuan habang nakatingin sa kan'ya. "Saan mo dinala si San?" Inis na sigaw ko sa kan'ya. "Hindi mo s'ya kailangang idamay sa kademonyohan mo, Lennox!"

Alam kong nasa kan'ya si San dahil kung wala, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Sa text pa lamang ni San, may iba na. Una pa lang kinakabahan na ako sa mga mangyayari at kutob ko na ito pero hindi ko pa rin sinunod ang kutob ko. Ang tanga ko. Sobrang tanga ko.

Humalakhak si Lennox at nakita kong nag-cross legs pa ito. "Calm down, Dessy. Kasunod ko lang s'ya."

Mariin na tumikom ang dalawang kamao ko at galit na tumingin kay Lennox. "'Wag mong sasaktan 'yung bata, Lennox. Hindi mo alam kung ano ang kayang gawin ni Duri kapag may ginawa kang masama sa kapatid n'ya." Nanginginig kong banta sa kan'ya.

Nginisian lamang ako ni Lennox at parang walang narinig sa mga sinabi ko. "Really? Kailangan ko na bang matakot?"

Lumunok na lamang ako para pigilan ang inis ko sa kan'ya. Ilang sandali pa ay napatingin kami sa may pintuan nang magbukas ito. Pumasok ang ilang mga kalalakihan at dala dala nila si San na umiiyak at takot na takot.

Gusto ko mang tumayo sa kinauupuan ko ay hindi ko magawa dahil nakatali ang katawan ko. Nagtama ang mga paningin namin ni San at nagulat s'yang makita akong nakatali.

"Ate Dessy!" Umiiyak n'yang sigaw habang hawak s'ya ng mga tauhan ni Lennox. "Bakit ka nakatali? A-anong ginagawa natin dito?" Tanong nito sakin.

Hindi ko nasagot ang tanong ni San nang magsalita si Lennox, "Sit down, little girl." Utos ni Lennox na s'ya namang napaupo si San dahil sapilitan s'yang pinaupo ng mga lalaking nakahawak rito.

"Who are you?" Takot na tanong ni San.

Hindi s'ya sinagot ni Lennox at sa halip ay inutusan nito ang dalawang tauhan n'ya na lumabas ng silid. Kaming tatlo na lang ang naiwan at parang tuwang tuwa si Lennox sa mga nangyayari.

Nagkatinginan kami ni San at kitang kita kong takot na takot s'ya. "Who is he, ate Dessy?" Umiiyak pa ring tanong ni San.

Nilingon ko ang nakangising si Lennox sa harapan namin, "Demonyo ang lalaking 'yan." Sagot ko kay San habang matalim na nakatingin kay Lennox. "Pakawalan mo na s'ya at 'wag na wag mo s'yang sasaktan, Lennox." Pagpipilit ko kay Lennox na palayain si San. Bata pa s'ya at hindi dapat n'ya nararanasan ang ganitong sitwasyon.

He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon