|| Dessy Leondale's Point of View ||
Kasalukuyan na kaming nakatayo ngayon sa harapan ng bar. Sobrang dami ng tao at puro teenagers ang nakapila para lang makapasok sa loob. Masyado ng gabi pero marami pa ring tao ang nagpupunta dito. Tsk. Sabagay, sino ba naman ang magpupunta sa bar kapag umaga? Utak Dessy. Utak.
Ilang hakbang na lang ang ilalakad namin para makapunta sa pila nang biglang hablutin ni Duri ang kamay ko at pinagdaop ito. Hindi na ako nakapalag at hinayaan na lang ang ginawa n'ya.
Nang marating namin ang pilahan para makapasok sa loob ng bar, medyo nawindang ako nang dire-diretso kaming nagtungo papunta sa bouncer na nakabantay sa tapat ng pinto.
"Hey Boss!" Napalunok ako ng laway nang kampayan ng bouncer si Duri at napakalaki pa ng boses nito dahil na rin siguro ng ma-muscle at malaki nitong katawan.
Mas matangkad at mas malaki pa ang katawan ng bouncer kesa kay Duri. Nakakatakot naman ang bouncer na 'to? Dapat bang higitin ko na si Duri papunta ng pilahan? Baka palubugin pa kami ng bouncer na 'to sa kinatatayuan namin.
"Hey Axel." Napatingin ako kay Duri nang tawagin nya ang pangalan ng bouncer. Normal lang na nakatayo si Duri sa harapan ng bouncer habang ang lalaking ito naman ay nakangiti kay Duri.
Close sila?
"Long time no see, Boss." Ani ng bouncer na nagngangalang Axel.
Close nga sila.
Ngumiti lamang si Duri at nakita ko naman ang pagtingin sakin ng bouncer. Nakakunot ang noo nitong tumingin sakin kaya nginitian ko ito.
"Ilang taon ka na?" Bigla akong napatayo ng tuwid nang tanungin ako ni Axel.
Napalunok ako. "Ah.Uhmm..." Hindi pa ako tapos magsalita nang si Duri na ang sumagot.
"She's 17 years old." Ani Duri.
Napatingin naman ulit sakin si Axel. "You're too young. Hindi ka pa pwedeng pumasok-"
"She's my date, hindi mo ba nakikita?" Itinaas at ipinamukha pa ni Duri kay Axel ang magkahawak naming kamay.
Medyo nataranta naman ang bouncer at napakamot sa ulo. "Pasensya na Boss. Sige, pasok na kayo sa loob."
Wala pang ilang segundo ay hinatak na ako ni Duri papasok sa loob ng bar. Pagkapasok pa lang namin ay bumungad na agad ang magulo, maingay, maraming tao at nagsasayawang mga ilaw.
Mula sa likuran ni Duri, kitang kita ko ang ginawa nyang pagngisi habang pinapanuod ang mga babaeng sumasayaw sa dance floor. Mga babaeng kulang na lang ay maghubad dahil sa suot nilang 'yon.
Napasinghap naman ako nang bawiin ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya.
Napatingin sya sakin. "Why?" Aniya.
Hindi ko narinig ang sinasabi nya dahil masyadong malakas ang background music na pinapatugtog ng DJ pero naunawaan ko yung sinabi nya dahil sa bigkas ng labi nya.
Sumigaw ako para dinig nya, "Hindi na ako 17 years old! 18 na ko, Duri! 18! Hindi na ko young!" Angil ko sa kanya.
Ngumisi si Duri at lumapit sakin. Inilapit nya ang mukha nya sa tenga ko at bahagya naman akong napaatras. "17 or 18 years old is not accepted in this club. Hindi pa rin sapat ang edad mo. 20 and above ang pinapapasok lang dito. Thank me later babe." Pasigaw iyon sa tenga ko pero hindi ako nabibingi. Mas naging klaro lang ang pagkakasabi nya dahil malapit sya sakin.
Napangibit ako at hindi na lamang pinansin ang sinabi ni Duri. Hindi naman kasi ako mananalo sa kanya.
"Let's go." Muli nyang pinagdaop ang mga palad namin at humanap kami ng vacant chair para pagtambayan namin.
BINABASA MO ANG
He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - Completed
Teen Fiction"Ang dami mong sinasabi," nakangising sabi niya at inilapit ang bibig sa aking tenga. "Yeah, maybe I'm not a good guy. I'm the selfish one. I take what I want, I do what I want. I don't do the right thing but when it comes to you, I can change every...