|| Dessy Leondale’s Point of View ||
Nakarating na kami ni Duri sa bahay at halos mag-a-alas dyis na nang makauwi kami. Nauna akong pumasok sa kanya sa loob. Inaantok na ako at gusto ko ng magpahinga.
Hindi naman na kami nagkibuan simula noong nangyari ‘yung sagutan namin kanina. Tahimik lang din kami sa byahe. Siya ang nagdrive at inihatid pa niya iyong babaeng kahalikan niya kanina.
Bakit napagod ako ngayong araw?
Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob. Sandali naman akong nagulat dahil bumungad si Sandara sa aking harapan. Nakasuot ito ng pantulog at may mga bandage pa rin sa katawan.
Agad namang lumapit si Duri para alalayan ang kapatid. Nanunuod lang ako sa kanila habang nag-uusap.
“Kuya...” Narinig ko ang mahinhin na boses ni Sandara nang tawagin si Duri.
“What are you doing here? Ayos na ba pakiramdam mo?” Si Duri.
Napataas ng bahagya ang kilay ko nang marinig ang kakaibang tono ng pananalita ni Duri. Hindi tumaas ang boses nya. Kalmado at parang nag-aalala talaga ito sa kalagayan ng kapatid.
“Yeah, I’m doing fine but...” Tumigil si Sandara sa pagsasalita at nakita kong sinulyapan n’ya ako mula sa likod ni Duri. Napatingin din naman si Duri sakin. “Is she your girlfriend?” Dagdag nito na parehas naming ikinagulat ni Duri.
“What?” Kunot-noong asik ni Duri.
“Ha? H-hindi! Hindi kami magjowa. Malabo...Tsaka hindi kami talo ng kuya mo.” We’re just pretending like a couple in the front of our classmate, pero hindi talaga kami!
Ngumiti si Sandara. “Really?” Parang hindi nagustuhan ang narinig niyang sagot mula sa’kin.
“Stop talking nonsense, San. Hindi s’ya sexy, hindi rin maganda. I will not waste my time on a girl like her. Besides, she likes a she not a he.” Masamang tumingin sakin si Duri bago nya igiya si Sandara papunta sa sofa. “Magpahinga ka na.”
Napairap naman ako sa sinabi niya. Kumuyom ng husto ang kamao ko nang mag-echo sa tenga ko ang mga iyon. Ang sarap n’ya talagang suntukin!
Umiling na lamang ako at dumiretso na sa guest room na tinutuluyan ko. Mas mabuti pang itulog ko na lamang ito kaysa isipin pa ang mga iyon.
Nagbanlaw lang ako saglit ng katawan at pagkatapos ay pumunta sa closet para humanap ng maaliwalas na damit. Nakabalot lang ng tuwalya ang hubad kong katawan samantalang nakapuyod naman ang magulo kong buhok into a bun.
Habang naghahanap ng damit, narinig kong nag-ring ang cellphone ko kaya agad akong nagtungo sa maliit na study table para tignan kung sino ang nasa called ID.
*Incoming call from Tim*
“Tim?” Bungad ko nang makasagot.
“Anong oras ka darating bukas sa SH Gathering?”
Tanong n’ya na parang may nginunguyang malutong na pagkain.
Lumakad ulit ako papunta sa closet at naghanap ng damit. Nilalamig na ata ako.
“Hindi ko alam pero mga 6:30 ng umaga nand’yan na kami.” Sagot ko habang naghahalikwat ng damit. “Why? Ikaw ba?”
“Hmm. Wala lang. Maaga ako tomorrow. Hintayin na lang kita sa Big Doom bukas.”
BINABASA MO ANG
He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - Completed
Teen Fiction"Ang dami mong sinasabi," nakangising sabi niya at inilapit ang bibig sa aking tenga. "Yeah, maybe I'm not a good guy. I'm the selfish one. I take what I want, I do what I want. I don't do the right thing but when it comes to you, I can change every...