|| Dessy Leondale's Point of View ||
Nakapatong ang isang malambot na unan sa mukha ko habang nakahiga ako sa kama. Dito pa rin ako natutulog sa kwarto ni Duri at hindi ko alam kung saan s'ya natutulog tuwing gabi.
Habang nakahiga ako sa kama, inis akong bumangon at umupo rito. Hindi ko alam kung bakit naiinis pa rin ako hanggang ngayon. Binusog ko naman ng pagkain ang sarili ko kanina bago ako pumanhik dito kanina.
Inis kong ginulo ang buhok ko at muling binagsak ang sarili sa kama. Antok lang siguro 'to. Pinilit kong ipikit ang mga mata ko at makatulog pero hindi ko magawa. Naaalala ko kasi kung paano—ay! Ayoko na sabing balikan. Matulog ka na Dessy! Matulog ka na kasi.
Babangon sana ulit ako pero kasabay noon ay ang narinig kong may kumatok sa pinto. Napakunot noo ako at madaling bumaba sa kama para buksan ang pinto.
Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad agad sakin ang nakangising si Duri. Nasa kabilang bulsa ng pantalon n'ya ang kanyang kamay samantalang ang isa naman ay nakasandal sa gilid ng pinto. Bahagya naman akong napaatras nang lumapit s'ya.
"A-anong ginagawa mo d'yan?" Napapikit ako nang mautal ako sa harapan n'ya. Tanga tanga Dessy.
Mas lumawak ang ngisi ni Duri at hindi ko iyon pinansin. Tumingin na lang ako sa mata n'ya na kasalukuyang nakatingin sa itaas ng ulo ko—sa buhok?
Kunot-noo kong hinawakan ang tuktok ng buhok ko. Ay! Ngayon ko lang naalala na inipit ko nga pala iyon. Inalis ko kasi ang sagabal na humaharang sa mukha ko kaya tinali ko muna. Nakalimutan kong alisin. Mukha siguro akong alien na may antena sa ulo.
Akma ko na itong aalisin nang bigla n'yang hawakan ang pulsuhan ko upang pigilan.
"Don't. It's cute." Inangatan ko s'ya ng tingin at seryoso s'yang nakatingin sa'kin.
Napatikom ko ang kamao kong hawak n'ya pa rin malapit sa gilid ng tenga ko. Hindi n'ya pa rin ito binibitiwan at patuloy pa rin s'ya sa pagtitig sakin kaya naman tumikhim ako at inalis ang pagkakahawak n'ya rito.
Pinagpag ko ang suot kong pantulog at muling tumikhim ng harapin s'ya.
"Ano bang ginagawa mo d'yan?" Pagbabago ko ng usapan. Naglabas ako ng malalim na hininga para makawala ang pagiging tarantahin ko. Bakit ba ko nagkakaganito? Naiinis lang talaga siguro ako sa kanya.
Nagkibit balikat lang ito at inayos ang pagtayo sa harapan ko. "Nakakain ka na ba?" Wala sa atmosphere na tanong n'ya.
"Oo, kakakain ko lang kanina. 'Yun lang ba ang itatanong mo kasi kung 'yun lang, matutulog na ko—" Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang higitin ni Duri ang kamay ko at hilahin n'ya ako papalabas ng pintuan.
Pinalo ko ang kamay n'yang nakahawak sa kamay ko pero hindi n'ya pa rin iyon inaalis. "Hoy ano ba? Sa'n ba tayo pupunta?" Walang ideyang tanong ko sa kanya habang pababa kami ng hagdan.
Parang madadapa ata ako sa sobrang bilis n'yang maglakad, buti na lang nasasabayan ko pa yung mga steps.
Binitiwan n'ya lang ako nang makarating na kami sa garahe. Akma na akong tatakbo pabalik sa loob nang maramdaman kong hinigit n'ya ang damit ko sa likod.
"Ano ba kasi?" Tanong ko sa kanya nang magkaharapan kami.
"Come with me," Nagsalubong ang kilay ko nang ngumiti ito. "Isipin mo na lang na ito ang second date natin o kung gusto mo naman, ibigay mo na lang sakin ito."
BINABASA MO ANG
He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - Completed
Teen Fiction"Ang dami mong sinasabi," nakangising sabi niya at inilapit ang bibig sa aking tenga. "Yeah, maybe I'm not a good guy. I'm the selfish one. I take what I want, I do what I want. I don't do the right thing but when it comes to you, I can change every...