|| Dessy Leondale’s Point of View ||
Isang linggo. Isang linggo na akong natutulog at umuuwi ng palihim sa bahay nina Duri. Wala pa ni isang kaklase ko ang nakakaalam. Kahit na si Tim. Hindi ko kailan man tinangkang sabihin sa kanya ang sikretong ito. Hindi na rin sya nakakapunta sa bahay dahil hindi ko sya pinapayagang pumunta. Lagi akong may palusot kapag gusto nyang bumisita sakin. Gusto ko nang sabihin sa kanya pero… hindi talaga pwede.
Sabado ngayon at walang pasok. Hapon na akong naligo. Isinuot ko ang pang-alis na damit dahil balak kong bisitahin ang bahay ko.
Maganda kung gabi kong bibisitahin ang bahay para walang masyadong tao. Alam ko rin naman na delikado pero mag-iingat na ako sa pagkakataong ito. Pati siguro magabok na yon, isang linggo na akong nandito at ilang araw ko na 'yong hindi nalilinis.
Agad akong tumakbo papalabas ng kwarto. Hinanap ko ang presensya ni Duri sa loob ng malaking bahay. Pagkababa ko ng hagdan, nakita ko siyang mag-isang kumakain ng hapunan sa mahabang lamesa.
Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya. Ngunit hindi man lang s’ya tumingin o natinag.
Umubo ako at nagparinig ulit ng isa pang tikhim. Wala ba talaga siyang balak mamansin?
“What do you want?”
Bahagya akong napalundag nang marinig ko ang hindi inaasahang tanong niya. Tumingin ako rito at hindi pa rin tumitigil sa pagkain.
Lumunok muna ako bago magsalita. Alam kong hindi siya papayag pero magbabaka sakali ako…
Sa halos isang linggo kong pananatili rito, hindi ko pa rin mabasa kung ano ba talaga ang ugali niya.
May oras na mabait siya sakin pero may mga oras na sobrang nakakatakot at nakakaasar siya. Na halos gusto ko na siyang suntukin dahil lagi niya akong pinagbabantaan.
Kung ikukumpara ko siya kay Cal; kahit hindi kami madalas magkita ni Cal, mas nababasa ko agad siya kaysa kay Duri.
Una pa lang, tama na ako. Hindi lang gwapo si Cal, mabait din siya. Hindi katulad ni Duri na puro papogi lang at puro pambababae ang alam.
"Ah… pwede ba kung umuwi muna ako samin?” diretsahan kong tanong. Kinakabahan ako pero hindi ko pinapahalata.
Bahagya akong napapikit nang ibagsak nya ang kutsara't tinidor.
“Hindi ka talaga nadadala?” Masama itong tumingin sakin. “Anytime, they can get you just like what they did last time. Gusto mo bang maulit na naman 'yon sayo?”
Alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Iyon yung mga oras na umuwi ako sa bahay at kamuntikan ng mamatay dahil may kumidnap sakin.
Hindi ako sumagot. Pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko at nag-iinit ang aking magkabilang mata.
Parang nagiging mababaw ang luha ko these past few days ah. Nakakainis.
Tumayo si Duri at parang nawalan ng gana dahil sakin.
“This is the safe place. This is the only way to keep the secret safe. Go back to your room and just wait. This will end soon, so be patient.” May halong diin sa boses nito kahit kalmado lang iyon kung pakikinggan.
BINABASA MO ANG
He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - Completed
Teen Fiction"Ang dami mong sinasabi," nakangising sabi niya at inilapit ang bibig sa aking tenga. "Yeah, maybe I'm not a good guy. I'm the selfish one. I take what I want, I do what I want. I don't do the right thing but when it comes to you, I can change every...