Kabanata 26: Confession

33.9K 1.1K 232
                                    



|| Dessy Leondale' Point of View ||

Hawak hawak ko ang kamay ni Cal habang hinahatid namin sya papuntang operating room.

Hindi ko alam pero parang hindi ko kayang nakapikit sya ng ganon at makitang puro dugo ang kanyang damit.

Nasasaktan ako. Hindi ko kayang itago ang nararamdaman ko kapag nasa ganitong kalagayan si Cal.

"Cal, please. 'Wag ka munang bibitaw." Umiiyak kong utas habang nakatingin sa tulog na si Cal.

Mahigpit kong hinawakan ang kamay nya sa huling pagkakataon.

Ipapasok na sya sa loob ng operating room at hindi ko pa rin mapigilan ang luhang tumutulo sa mga mata ko.

Hindi ko alam kung bakit nya sinalo ang balang dapat para sakin. Hindi dapat sya ang nasa ganitong kalagayan.

Hindi ko din makalimutan kung paano nya sinalo ang mga suntok at bugbog ng mga lalaki kanina bago nya ako iligtas.

Basta nagulat na lang ako kanina ng makita ko syang nasa harapan ko. Sya ang nag-alis ng takip sa mukha at bibig ko. 

Mas napapaiyak ako lalo kapag naalala ko kung paano ako niligtas ni Cal kanina. 

Napatingin ako sa magulo nyang buhok at damit. May mga dugo at pasa na din sya sa bibig, kabilang kilay, pisngi at sa bandang noo. Halatang nakipagbugbugan sya sa mga lalaking tauhan ni Lennox.

Tahimik syang bumaba sa kinauupuan ko at inalis ang mga taling nakatali sa paa ko.

Kitang kita ko sa mukha ni Cal kung gaano sya nag-aalala sa kalagayan ko. He don't even take a breathe while removing those ropes—kaya mas lalo akong nahirapan para iwasan kung ano man ang nararamdam ko para sa isang Cal Saunders.

Hindi ko ata kaya. Ayoko sanang saktan si San pero hindi ko kayang iwasan ang nararamdaman ko para kay Cal. I can't and I'm sorry, San.

Pagkaalis nya ng mga tali sa paa at kamay ko, hindi ko alam pero agad ko syang niyakap at agad na bumuhos ang luha ko sa balikat nya.

He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon