Kabanata 41: Force

27.7K 848 141
                                    



|| Duri Salcedo's Point of View ||


Inalis ko ang jacket na suot ko pagkaupo ko sa isang vacant chair malapit sa kinauupuan ni Zeke. Inabot ko ang isang bote ng wine malapit sa kanya at nilagok ito.

Napatingin lang sakin si Zeke at umiiling na tumawa. Binuksan n'ya ang isa pang bote ng wine at ibinigay sakin.

"Napapadalas ata ang pag-iinom mo?" He mock while pouring his glass with mine.

Umiling ako at ininom ulit ang isang bote ng alak. "Just shut your mouth, Zeke. 'Wag mong bigyan ng malisya ang pag-iinom ko. Mind your own business."

Napahagikhik si Zeke at napapalo pa sa table, "Damn Dude! Bakit ba ang init ng ulo mo ngayon?"

Tumaas ang kanang kilay ko habang nakatingin sa kanya. Alam kong hindi ito titigil hangga't hindi ako nagkukwento. Suminghap ako at umayos ng pagkakaupo.

"May problema ako," Maang ko sa kanya.

"Tss. Alam ko naman 'yon. Kaya ka nga nandito diba? Lol!" Napapailing n'yang sambit. Nginiwian ko na lamang ito at nagpatuloy sa sasabihin.

"I have to go to Batangas," I stopped and I grabbed the steak in front of me.

Masinsinan namang nakikinig si Zeke kahit nakatuon ang mata nito sa mga babaeng sumasayaw sa dance floor.

"And then?" Tanong n'ya.

"Walang magbabantay kay Dessy. I need someone to look after her." Seryosong maang ko na ikinalingon naman n'ya sakin.

Tumawa ito pero agad ding bumalik sa pagiging seryoso ang mukha nang makitang hindi ako nagbibiro. "Bakit hindi mo s'ya isama? Tutal, last month na lang naman at bakasyon na. Doon n'yo gawin ang last date n'yo."

Umiling ako at ibinato sa kan'ya ang isang butil ng ubas. "Bobo. Hindi ko s'ya pwedeng isama."

"Bakit hindi? Ano bang gagawin mo sa Batangas?" Parehas kaming tumingin sa mata ng isa't isa at hinihintay n'ya ang sagot ko.

Ininom ko muna ulit ang alak sa bote bago sumagot. "May kailangan akong asikasuhin. I need to deal with the Black Eagles Group. Kilala mo naman ang grupo nila, right? They are a bunch of traitor."

Nakita ko kung paano lumaki ang mata ni Zeke at kamuntikan na rin s'yang masamid dahil sa narinig. I know he also know who's the Black Eagles Mafia Boss. Nasaksihan n'ya na kung gaano kalupit at kalakas ang grupong ito. Kahit na lalaki s'ya at kahit marami na s'yang napatumbang member ng iba't ibang gangs, inamin n'ya pa rin sakin na kinikilabutan s'ya kapag kaharap ang Mafia Boss ng Black Eagle na si Yusuf. Isang Chinese mafia boss.

"Fuck?" Napapamura n'yang utas. "Ano namang pag-uusapan n'yo ng matandang 'yon? Si Boss ba ang nagpapunta sa'yo?" Hindi makapaniwalang tanong n'ya.

May dumaan sa tabi namin na waiter at kinuha ko ang isang Sauvignon Blanc wine na dala nito. Kumuha rin si Zeke at nakipagcheers ako.

"We're about to discuss with a new transaction na gagawin ng Black Eagle sa bagong basement na itatayo nila dito sa Manila." Walang reaksyong sagot ko ng matapos ako sa pag-inom sa wine.

Kunot noo pa rin naman si Zeke habang pinagmamasdan ako. Sandali itong umiling bago n'ya inumin ang wine sa hawak na wine glass.

"Be careful, Dude. Masama ang kutob ko sa pinaplano ni Boss." Nagkatinginan kaming dalawa. "I think it's a trap. Ikaw ang pinapunta ni Boss para kapag hindi tumupad sa usapan ang matandang Chinese na 'yon, ulo mo ang sasabog at hindi sa kanila." Siguradong sabi n'ya.

He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon