|| Dessy Leondale's Point of View ||
Hindi pa rin ako makagalaw habang nakalapit sa tenga ko ang labi ni Duri. Para akong na-istatwa dahil sa sinabi nya.
"...I can change everything just fall for me."
Parang nag-echo naman sa kabila kong tenga ang huling sentence na sinabi nya. Ano bang nangyayari sa lalaking 'to?
Bahagya akong lumayo sa pagkakalapit nya sakin at malayo na sya ng kaunti sakin. Alam kong laro laro lang ito para kay Duri at trip nya lang ako.
"Nice try," Maang ko sa kanya at paika ikang umupo sa bakanteng upuan.
Buti naman pinakawalan nya na ako. Tss. Ikakain ko na lang ito kesa isipin yung mga sinasabi nya.
Pagkatapos kong kumain mamaya, pupuntahan ko si San para kausapin. Baka sa mga oras na 'to, kaya nga na akong makausap. Ayokong tumagal pa ang pagtatampo nya sakin dahil baka kapag pinatagal ko pa 'to, hindi na nya ako mapatawad.
Tahimik lang ako na nakaupo habang sumasandok ng adobong niluto nya at nilagay ito sa plato. Sobrang nagugutom ako kaya ilang sandok din ng kanin ang nagawa ko. Habang sumasandok ako ng kanin, nakita ko naman ang pag-upo nya sa upuan na kaharap ko.
Hindi sya sumasandok o kumukuha man lang ng pinggan para kumain. Nakaupo lang sya doon at pinapanuod ang ginagawa ko.
Peste talaga 'tong lalaking 'to. Hindi ba sya pwedeng magdamit muna bago ako panuurin? Bwisit.
"You think I'm not serious?" Napatingin naman ako sa kanya habang nginunguya ang malambot na karne ng baboy at muling ibinalik ang atensyon sa pinggan.
"Kumakain ako." Utas ko sa kanya at hindi na pinansin. Pero hindi ko maiwasan ang pagpapapansin nya. Nakakaimbyerna ang ginagawa nyang pagtitig at panunuod sakin. Ayoko pa naman ng may nanunuod sakin kapag kumakain ako. Hindi ako nabubusog. Hindi din nakakatuwa ang nakabalandrang katawan nya sa harapan ko.
Inis akong tumingin sa kanya at sinipat ang katawan, "Duri, pwede bang magdamit ka muna?"
Tumaas ang kilay nya at ngumisi. Nang-aasar pa rin sya sa mga titig na 'yon. "Am I so destructive that much?" Aniya habang nakangisi.
Napaawang naman ang labi ko nang kumagat labi pa ito. "Hindi ganoon kalaki ang katawan mo para ma-destruct ako," Tinusok ko ang karne sabay tingin sa kanya, "Nakakawala lang talaga ng ganang kumain kapag may kaharap kang tao na wala man lang pang-itaas." Dugtong ko bago isubo ang karneng nasa tinidor.
"But you almost drool," Agad kong nilingon ang kinauupuan ni Duri at kamuntikan na akong masamid dahil sa sinabi nya, "See?Masasamid at natataranta ka pa ngayon. Psh, ganyan ba ang hindi distracted?" Mapang-asar na sabi n'ya habang nakatingin ng diretso sakin.
Mariin akong napapikit at napatigil sa pagkain habang mahigpit din na napahawak sa kobyertos ko. Dahil sa inis, tinutukan ko sya ng tinidor. "Asa ka. Hindi sabi nakakaakit 'yang katawan mong parang kalansay!"
Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Duri at ang paglook down nya sa katawan nya. Tss, hindi naman talaga kalansay ang katawan nya. Oo, may 8 pack abs sya at maugat ugat ang braso nya tapos maputi pa sya. Nakakaakit pero hindi ako tinatablan! Hindi talaga. Tss. Para 'yun lang? Di naman sobrang nakakaakit.
BINABASA MO ANG
He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - Completed
Teen Fiction"Ang dami mong sinasabi," nakangising sabi niya at inilapit ang bibig sa aking tenga. "Yeah, maybe I'm not a good guy. I'm the selfish one. I take what I want, I do what I want. I don't do the right thing but when it comes to you, I can change every...