|| Dessy Leondale's Point of View ||
Hindi pa rin ako makakilos sa pagkakahawak ni Duri sa bewang ko. Sumasayaw na kami sa mga oras na ito. Sandali naman akong napalingon lingon sa tabihan ko, sinusubukan kong hanapin si Tim pero parang napalayo na sya sakin dahil ng kapartner nya. Sino naman kaya ang partner non? Lagot na naman ako kapag nakita nyang kasayaw ko ang one and only crush nya.
Tumutunog pa rin ang kantang 'Can I Have This Dance' at hindi ko alam kung anong steps ang ginagawa ko. Nalito na ako dahil hindi ako mapakali. Sumusunod na lang tuloy ako sa galaw ni Duri.
Habang sumasayaw, hindi ko maiwasan mapatingin sa nakangising labi ni Duri. Parang kanina pa syang ngumisi sa mukha kong di mapakali. Nakakailang beses din akong lumulunok. Argh, pakiramdam ko natutuyuan ako ng laway sa lalamunan.
"Ang likot ng mata mo." Kahit malakas ang music, rinig na rinig ko ang nakakaasar na boses ni Duri.
Inirapan ko lang ito at sa ibang direksyon na lang ako tumingin.
Habang sumasayaw, nararamdaman ko din ang malikot na kamay ni Duri mula sa bewang ko. Parang pababa ito ng pababa papunta sa pwetan ko.
Dahil sa inis, nakuha kong ilapit ang mukha ko sa tenga ni Duri. Hirap man akong abutin ang tenga nya dahil masyado syang matangkad, ginawa ko pa rin ang makakaya ko. "Gusto mong sipain ko ang pagkalalaki mo? Itigil mo 'yan." Gigil kong sabi sa kanya.
Bahagya naman itong tumaas ng kaunti sa bewang ko. Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay ni Duri habang nakangisi.
Ilang sandali pa, nasa last part na kami ng sayaw. Ito ang pinakaayaw ko—ang umupo sa lap ng lalaki. Bwisit kasi na choreographer 'yon. Ang daming alam.
Wala akong nagawa kundi umupo sa hita ni Duri habang nakaluhod sya. Patapos na naman kaya ginawa ko na.
Pagkatapos namin na magbow, nagpalakpakan naman ang ibang manunuod pati na rin si Jackson at si Trisha.
"Alright! What a romantic introduction!" Tumatawang sabi ni Trisha habang pumapalakpak.
Isa isa na din na nag-aalisan ang mga estudyanteng sumayaw sa gitna ng court. Kasabay ng pag-alis ko ang pagbalik ni Duri sa table nila.
Sinundan ko si Duri ng tingin habang papunta sya sa table. Nakita ko naman si Cal na tahimik lang na umiinom ng wine.
Hindi sya sumayaw?
Pagkaupo ko sa chair namin, kasabay ko lang din si Tim na dumating. Napahinga pa sya ng malalim pagkatapos uminom ng drinks.
"Akala ko si Duri na ang partner ko. Hay nako, nakakaasar!" May pagkamot pa sa braso si Tim habang sinasabi 'yon.
Bahagya naman akong tumawa dahil sa itsura nya.
"Eh ikaw ba? Sinong partner mo kanina?" Kaunti naman akong pinanlakihan ng mata nang itanong 'yon ni Tim. Anong sasabihin ko? Argh, kailangan ko munang magsinungaling. Gagawan ko na lang ng paraan para maisayaw sya ni Duri mamaya. Shit.
Sumubo muna ako ng chips bago sumagot, "Ah, ako? Hindi ko kilala kung sino yung napatapat sakin. Nakamaskara kasi." Napapakagat labi ako habang sinasabi ang kasinungalingang 'yon kay Tim.
"Ay sayang naman!" Nakangusong utas ni Tim habang sumusubo din ng chips.
Habang kumakain si Tim, nakita ko ang pagtitig nya sa black na ribbon na nakakabit sa kanang bahagi ng kamay ko. Kunot noo nyang hinawakan ang pulsuhan ko. "Para saan 'to?" Takang tanong nya.
BINABASA MO ANG
He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - Completed
Teen Fiction"Ang dami mong sinasabi," nakangising sabi niya at inilapit ang bibig sa aking tenga. "Yeah, maybe I'm not a good guy. I'm the selfish one. I take what I want, I do what I want. I don't do the right thing but when it comes to you, I can change every...