|| Dessy Leondale's Point of View ||
Pasalampak akong umupo sa upuan at kasabay noon ang pagtuon ko ng dalawang siko sa arm chair tapos pumangalumbaba dito. Diretso akong nakatingin sa white board at iniinda pa rin ang sakit ng ulo ko. May hang over pa rin ata ako.
Napabuntong hininga ako nang maramdaman kong kumukulo ang tiyan ko. Hindi nga pala ako nag-almusal kanina bago pumasok ng school. Nagmamadali kasi ako dahil na-late ako ng gising. Minadali ko lahat pati ang pagligo kaya ayun, nakalimutan kong kumain.
Lumingon lingon ako. Kanina ko pa pansin na wala si Tim sa buong classroom. Hindi din sya nagpaalam sakin na aabsent s'ya ngayon kaya imposibleng absent nga sya. Asan na kaya 'yon?
Napanguso akong tumayo sa upuan. Kahit late na akong nakarating sa room, kakaunti pa rin ang estudyante ngayon. Third grading na naman kaya ganito na ang daily routine ng mga tao dito. Yun ibang kaklase ko 'di na umaattend ng klase dahil mas gusto nilang tumambay sa corridor, sa paradiso o kaya naman maggala sa buong campus.
Dahil hindi ko na maating ang kumukulong tiyan ko, nagpasya akong lumabas muna at bumili sa cafeteria. Baka habang naglalakad ako papuntanf cafe, makita at magkasalubong na kami ni Tim.
Sa pinaka hindi dinadaanan na direksyon ako dumaan. Nasa likod lang din ito ng Paradiso tsaka malapit sa classroom kaya dito na ako dumaan. Kakaunti at iilan lang ang mga estudyanteng tinatahak ang daan na 'to papunta sa cafeteria. Bukod kasi sa masyadong mahaba ang pathway na 'to, mga secret couples lang ang dumadaan dito. They want their relationship to be private. Ayaw nila ng maraming nakakaalam kasi mas maraming nakakaalam, may possibilities din na maraming may mangingialam.
Pero kung papapiliin ako between private and public relationship, I'll choose public. Wala naman 'yan sa mga pakialamera at itchoserang mga taong nasa paligid natin, nasa couples 'yan. If they are strong, they'll nevermind on what people will do or say para lang mapaghiwalay sila. Hindi naman kasi nawawala sa isang relasyon ang mga ganyang bagay. Tsaka those problems will make them more stronger. Mas mapapatibay pa nito ang kanilang relationship kung parehas at sabay silang lalaban.
Public relationship is also damn sweeter than private relationship. Kapag private, nakakaboring. Para bang pakiramdam ko, tinatago ka at ikinahihiya ka sa iba. Parang ganon lang naman. Tsaka kung gusto nilang lunagay sa tahimik, 'di sana hindi na lang sila nagjowa. That's not make sense.
Teka? 'Bat ko ba masyadong sineseryoso ang ganitong usapan? Tss.
Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa cafeteria, napapangiti ako tuwing naglalaglagan ang mga tuyong dahon sa puno. Para tuloy naulan dito, dahon nga lang. Maganda naman dito sa Doom Area kaso nga lang hindi daanin ng mga estudyante. Maraming kulay brown na dahon sa lupa at may mga puno din na tumataklob sa sinag ng araw kaya masarap maglakad dito tuwing tanghali. Mahangin tapos masarap tumambay. Ngayon ko nga lang ulit ito nadaanan.
Isasama ko pala ulit dito si Tim next time. Dito na ulit kami tatambay. Hays.
Ilang hakbang na lang at natatanaw ko na ang cafeteria pati na rin ang dagsang mga estudyante na nagtatawanan at magulong nakakalat sa loob man o sa labas ng cafeteria. Napahawak ako sa t'yan ko dahil gutom na gutom na talaga ako. Parang gusto kong lumamon ngayon ng lumamon. Tsk, ganon pala ang epekto kapag may hang over ka. Parang tataba ata ako nito ah.
BINABASA MO ANG
He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - Completed
Teen Fiction"Ang dami mong sinasabi," nakangising sabi niya at inilapit ang bibig sa aking tenga. "Yeah, maybe I'm not a good guy. I'm the selfish one. I take what I want, I do what I want. I don't do the right thing but when it comes to you, I can change every...