|| Dessy Leondale's Point of View ||
Napalunok ako ng laway nang buksan ko ang pintuan ng kwarto ni Cal. Nangangatal pa ang kamay ko nang pihitin ko ang doorknob nito.
Pagkapasok ko pa lang, nakita ko agad ang wala pa ring malay na mukha ni Cal. Dahan dahan akong lumapit dito at hinigit ang isang upuan para makalapit sa kanya.
Pinagmasdan kong mabuti ang mukha ni Cal. Kitang kita pa rin ang mga pasa nito sa mukha at ang ilang bandage sa kanyang noo. Medyo nagdadry na rin ang mapula nyang labi dahil hindi nababasa. Bumuntong hininga ako at sandaling pumikit pagkatapos ay hinawakan ang kamay nya.
"Salamat," Bahagya akong ngumiti at inayos ang pula nyang buhok. "Gumising ka na dyan. Kailangan kong marinig ang 'you're welcome' mo."
Tumungo ako at napatawa sa sariling joke. Para namang maririnig nya ako eh tulog nga sya diba?
Muli akong tumunghay at pinakatitigan ang mukha ni Cal. Tulog man o hindi, he looks manly for me.
Akma ko nang bibitawan ang kamay ni Cal nang bigla itong gumalaw at humawak din ang kamay ni Cal sa kamay ko.
Napatingin ako sa kamay naming dalawa bago sa kanyang mukha.
"Cal," Tawag ko sa pangalan nya.
Unti-unti namang nagmulat ang kanyang mata at nang maimulat ay agad na tumingin sakin. Matagal bago sya naglabas ng malalim na hinginga.
"Sandali lang, tatawag ako ng doctor!" Tatayo na sana ako nang hindi pa rin bitawan ni Cal ang pagkakahawak sakin.
Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang ginawa nyang pag ngiti. "Are you okay?"
Napabuka ng bahagya ang mga labi ko nang itanong nya 'yon. Kahit sya na yung nakahiga at hindi ayos ang lagay, mas inuna nya pa rin na itanong kung okay lang ako.
Mabilis akong tumango at inilapit ang mukha kay Cal. "Ayos lang ako. Wag mo na akong alalahanin. Tatawagin ko lang yung doc—" Natigilan ako nang sumabat sya.
"It's glad to know you that you're okay." Ngumiti ulit si Cal at muling tumingin sa mga mata ko. "Stay with me kahit sandali lang," Nakita ko kung paano kuminang ang mga mata ni Cal habang sinasabi nya 'yon.
Napalunok naman ako nang maramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"O-osige. Sigurado kang okay ka na? Wala bang masakit sayo bukod sa tama mo sa likod ng balikat mo?" Naupo ulit ako sa silya habang kinakausap sya. Napapatingin naman ako sa kamay naming dalawa na hindi pa rin nya binibitawan. Para namang hindi ako komportableng hinahawakan nya ang kamay ko ng ganito pero parang gustong gusto ko din.
Nagulat naman ako nang bigla syang umupo sa kama.
"Cal, hindi ka pa magaling! Huwag ka munang kumilos." Pigil ko sa kanya habang inaayos nya ang kanyang pag-upo.
"Relax. I'm okay when I see you okay. You don't have to worry about me." Untag ni Cal nang makaupo na sya sa kama.
BINABASA MO ANG
He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - Completed
Teen Fiction"Ang dami mong sinasabi," nakangising sabi niya at inilapit ang bibig sa aking tenga. "Yeah, maybe I'm not a good guy. I'm the selfish one. I take what I want, I do what I want. I don't do the right thing but when it comes to you, I can change every...