|| Dessy Leondale's Point of View ||
Sabado ngayon at parehas kami ni Tim na nakatambay sa isang malapit na Coffee Shop sa bahay ni Duri. Wala naman si Duri sa bahay dahil may inaasikaso. Hindi ko alam kung ano pero mabuti na rin 'yon.
"Don't tell me na itutuloy mo yung plano n'yo ni Cal?" Basag ni Tim sa katahimikan ng buong paligid.
Kagat labi kong nilaro ang hawak kong tinidor sa plato. "Anong gusto mong gawin ko?" Namomroblemang tanong ko.
Napairap si Tim at kumamot sa ilong. "Ano ba naman, Dessy. Syempre tanggihan mo. Hindi naman sa masama ang tingin ko kay Cal pero hindi ko alam kung bakit parang ngayon medyo nawawalan ako ng tiwala sa lalaking 'yon. Yes, Cal is good looking and gentle pero hindi ka ba nabibilisan sa mga nangyayari? He want you to take away from Duri—from us. Hindi mo ba napapansin 'yon?"
Napaisip ako sa sinabi ni Tim pero hindi pa rin 'yon ang naging dahilan para hindi ko ipagpatuloy ang planong pagtakas namin ni Cal mamayang gabi.
Napag-usapan namin ni Cal na susunduin n'ya ako sa labas ng bahay nina Duri mamayang 11 PM. Tulog na noon ang mga tao pati na rin sina Duri. Ang kailangan ko na lang gawin mamaya ay ayusin ang mga gamit ko at mag-iba ng pagkatao. Kailangan kong linlangin si Duri.
Lumunok ako at tumingin kay Tim, "Maiintindihan mo naman siguro ako 'di ba, Tim?"
Napakamot si Tim sa noo at disappointed akong tinignan. "Ugh. Hindi ko alam. Hindi ko alam, Dessy. I don't know if you're choosing a right decision pero ano pa bang magagawa ko?" Hinawakan n'ya ang kamay kong nakalapag sa ibabaw ng table at ngumiti, "I'll support you cause you're a sister to me. Basta kapag may ginawang hindi maganda si Cal, just call me okay? Ipapabugbog ko 'yan kay Duri."
Pinanliitan ko ito ng tingin at marahang pinalo ang kamay nitong nakahawak sakin, "Sira ka talaga."
Tumawa ito at sinipsip ang drinks na nasa harapan. Nakangiti lang ako sa kanya habang pinapanuod ang pagtawa n'ya.
"Pero Tim," Tumigil ito sa pagsipsip at tumigin sakin nang tawagin ko ang pangalan n'ya.
"Hmm?" Aniya.
"Salamat." Mangiyak ngiyak kong usal pero hindi inaalis ang ngiti sa mga labi ko.
Malakas naman n'ya akong pinalo sa braso at tinawanan. "Ang drama mo. Ewan ko sa'yo."
Parehas kaming tumawa at ipinagpatuloy ang pagkain. Libre naman n'ya kaya oorder na lang ako ng kung anong gusto ko. Susulitin ko na. Baka ito na ang huling bonding namin.
**
Alas tres natapos ang usapan namin ni Tim. Maghapon kaming nakatambay sa Coffee shop at inaaksaya namin ang oras namin sa pagtawa. Natapos nga lang ng maaga dahil tinawagan s'ya ng Daddy n'ya. May pupuntahan na naman daw sila.
Kawawa naman si Tim. Hindi na s'ya makapagpahinga kahit weekend man lang.
Napasinghap ako habang naglalakad habang iniisip si Tim. Papauwi na ko ngayon sa bahay ni Duri at kailangan kong magmadali dahil baka madatnan n'ya kong wala sa bahay. Tumakas lang ulit ako.
Habang naglalakad ako, bigla akong napatigil dahil may sasakyang bumusina sakin at bahagya akong nainis dahil kamuntikan n'ya na akong mabunggo.
Bumukas ang pinto ng itim na sasakyan. "Magpapakamatay ka ba?!" Sigaw ng matandang lalaki sa'kin.
BINABASA MO ANG
He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - Completed
Teen Fiction"Ang dami mong sinasabi," nakangising sabi niya at inilapit ang bibig sa aking tenga. "Yeah, maybe I'm not a good guy. I'm the selfish one. I take what I want, I do what I want. I don't do the right thing but when it comes to you, I can change every...