Kabanata 25: Confused

35.4K 1.1K 215
                                    


|| Dessy Leondale's Point of View ||


Pinakiramdaman ko ang buong paligid. Kasalukuyan pa rin akong nakahiga at parang lambot na lambot ang buong katawan.

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at inilibot ang paningin. Nasan ako? Pilit akong bumangon sa pagkakahiga at umupo sa kama. Napahawak ako sa sentido ko dahil sa sobrang pagkahilo.

Suot ko pa rin ang gown na suot ko lang kagabi. Teka. Nasaan nga ba ako? Habol hininga akong tumayo at lumapit sa pintuan ng isang napakaputing kwarto. Tanging kama at isang maliit na lamesa lang ang laman ng silid na 'to. Walang kahit anong bintana at tanging maliit na aircon ang nagpapalamig sa buong paligid.

Lumunok ako nang makarating sa pinto. Buong pwersa kong binubuksan at hinahampas ang pinto pero hindi ko ito mabuksan. Bakal ang pintuan kaya mas nahirapan akong hampasin ito.

"Palabasin nyo ko!" Pilit akong sumigaw sa kawalan. Pinapanatili kong malakas ang mga tuhod ko at hindi tumumba.

Ilang oras na ba akong nandito? Ilang oras na akong nakakulong sa kwartong 'to.

Tumalikod ako sa pintuan at humanap ng iba pang madadaanan pero wala akong nakitang pag-asa na makakatakas ako dito sa loob ng kwarto. Plain at puro pader lang ito.

Ilang sandali pa, bumukas ang pinto at nakita kong pumasok ang ilang kalalakihan. Nauunang maglakad patungo sa direksyon ko ang demonyong si Lennox.

Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa galit sa kanya. Hindi ko makakalimutan ang ginawa nyang paghalik sakin.

"You're awake—" Hindi naituloy ni Lennox ang kanyang pagngisi nang sampalin ko sya pisngi. Kahit nanghihina ay nagawa kong palagitikin ang sampal na 'yon.

Nang masampal ko si Lennox, agad naman na nagsilapitan ang mga lalaking kasama nya at hinawakan ako sa dalawang kamay. Nanginginig pa rin ang kamay kong sampalin sya at kulang ang sampal na 'yon sa lahat ng ginawa nya.

Muling lumapit si Lennox sa harapan ko. Napaliyad naman ako nang hawakan nya ang panga ko at pandulatan nya ako ng mata. "Masyado pang maaga para pahirapan kita. Don't push me to kill you, Dessy Leondale."

Habol hininga akong napaupo sa sahig nang bitawan ako ng dalawang lalaking nakahawak sakin at nang pabalagbag na binitawan ni Lennox ang mukha ko.

Gustong gusto kong umiyak pero ayokong mas lalong masiyahan si Lennox kapag nakita nyang umiiyak ako. Idinaan ko na lang sa pagkagat ng labi at paglunok lunok ang pagpigil ko sa luhang nagbabadyang lumabas.

Masama ko syang tinignan nang umupo sya sa harapan ko para maging magkalevel ang mukha naming dalawa. 

Nagawa nya pang isipit sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko habang nakatingin ako sa kanya. 

"Your eyes looks more impressive. Looks like it is dangerous but behind it, it's nonsense." Ngumisi pa ito bago tumayo. "Abangan natin kung sino kina Salcedo at Saunders ang magsa-sacrifice just to save you." 

Tumalikod na si Lennox kasama ang mga asungot nya pero bago lumabas, may iniwanan na naman itong salita. "But I think, Cal will do. Wala akong tiwala kay Duri, he's just a bad boy and has no feelings. He can't even sacrifice himself to save a girl." Tumawa ito ng malakas bago isarado ang pinto.

Napabuntong-hininga ako dahil sa narinig. 

Siguro... tama s'ya. Duri is heartless but why does a part of me believes he will going to save me?

He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon