|| Dessy Leondale's Point of View ||
Nasa cafeteria kaming dalawa ni Tim at gigil na gigil s'ya habang kinukwento sakin ang naging sagutan nila ni Mia. Ikinuwento nya rin sakin kung paano s'ya iniligtas ni Cal sa kagagahan daw ni Mia. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Matatawa ba ako? Maiinis? O magseselos? Pero dahil kaibigan ko 'to, tinawanan ko na lang s'ya.
"Alam mo kung hindi lang talaga dumating si Cal doon, malamang natadyakan ko na ang babaeng 'yon. Alam mo yung feeling na gigil na gigil na ako? Nagsorry naman ako tapos ang dami n'yang putak." Saad nya at pagkatapos ay sinipsip ang orange juice nya sa baso.
Sumubo naman ako ng ini-slice kong black forest chocolate cake na libre n'ya sakin at ibinaba ang tinidor, "Intindihin mo na lang kasi si Mia." Sarkastiko kong sabi sa kanya.
Nagsalubong ang kilay ni Tim nang balingan ako ng tingin, "Sira ka ba? Kung hindi ko s'ya papatulan edi magmumukha akong kawawa do'n. Sayo ako natutong lumaban tapos sasabihin mo sakin na intindihin na lang si Mia. No, no, no way highway."
Tumawa s'ya ng malakas at napahampas sa table. Tinawanan ko na lang din s'ya dahil ang hyper n'ya ngayong araw. Hindi ko alam kung bakit napakasigla n'ya pero masaya ako dahil masaya ang isang 'to. Walang halong pamamlastic at hindi pilit ang kanyang pagtawa kaya alam kong wala s'yang pinoproblema ngayong araw.
Habang tumatawa kami ni Tim, bigla namang nagsiiritan ang mga babaeng nasa loob ng cafeteria. Kahit saan kami lumingon ay nakikita namin ang ilang babae na nagpipigil ng sigaw nila habang nakatingin sa labas ng café.
Napatingin din ako kay Tim na umakto pang nahulog ang spoon na hawak sa bibig at kagaya ng mga babaeng nasa café, nakatingin din ito sa labas kaya hindi na ako nagdalawang isip na tumingin sa likuran ko.
Napakunot noo ako nang malaman kung bakit ganito ang mga reaksyon ng mga babae sa cafeteria. Nakatayo si Duri sa labas ng glass door at may hawak na bouquet of flowers. Ang isang kamay ay nakahawak sa mga bulaklak samantalang ang isa naman ay nakasuksok sa bulsa ng kanyang black pants. Nakasuot din s'ya ng sun glassess na nakapagpadagdag para ma-enhance ang katangusan ng ilong nito kahit medyo malayo s'ya sa kinauupuan namin. Nakabukas din ang mga butones ng kanyang white polo shirt at nasa loob nito ang isang plan black t-shirt na nakapagpadagdag din ng kanyang kakisigan.
Parang hindi ko ata maiwasan ngayon ang lakas ng appeal ni Duri. Ngayon ko lang din ata na-appreciate ang ka-sexy-han n'ya and it seems like I'm attracted to him in ways that I can't explain.
Dahil sa matagal kong paglalarawan sa ka-sexy-han ni Duri, hindi ko napansin na nasa tabihan ko na pala s'ya at mas lalong lumakas ang tiliian ng mga babaeng nakapaligid samin.
Nang makalapit, inalis n'ya sa harapan ko ang sunglasses na suot n'ya pagkatapos ay kumindat. Nagsalubong naman ang dalawang kilay ko dahil sa ginagawa n'yang palabas.
"I love it when I catch you trembling." Kumindat si Duri nang magtama ang aming paningin.
Ngumuso ako at napapikit na tinakluban ang kalahating mukha dahil ang daming nanunuod saming mga estudyante ng BSU. Parang dinumog ang cafeteria dahil sa eskandalong ginawa n'ya.
Tumingin ako kay Tim na kasalukuyang nakanganga ngayon at hindi inaalis ang tingin kay Duri. Nakatalikod si Duri sa kanya at sobrang lapit nilang dalawa sa isa't isa kaya hindi ko masasabing overacting si Tim dahil alam ko rin ang nararamdaman n'ya.
BINABASA MO ANG
He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - Completed
Teen Fiction"Ang dami mong sinasabi," nakangising sabi niya at inilapit ang bibig sa aking tenga. "Yeah, maybe I'm not a good guy. I'm the selfish one. I take what I want, I do what I want. I don't do the right thing but when it comes to you, I can change every...