|| Dessy Leondale's Point of View ||
Alas kwatro pa lang, pinaghahanda na ako ni San para sa make-over mamaya. Parehas kaming naka bath throbe at pinahiram nya sakin yung extra nya.
Habang naghihintay sa tinawagan nyang make up artist kanina, San starts the conversation.
"Hmm, Ate Dessy?" Nilingon ko ang kinauupuan nya.
"San?" Ngumiti ako nang matapos akong humigop ng kape na ginawa ko kanina.
"But before that, huwag mo sana ateng mamasamain ang itatanong ko," Umiling ito at bahagyang ngumiti, "Pero I didn't mean to saw it. I just—uhmm," Kinakabahan tuloy ako sa gusto nyang sabihin. Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan syang tapusin ang sasabihin bago ako magreact. "I just see how kuya Duri look at you while holding your hands at the car."
Pinanlakihan ako nang mata nang sabihin nya ang tungkol doon. So ang ibig sabihin ba nito, gising sya ng mga oras na 'yon. Dahil sa hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay San ang ganong bagay. "San, kasi..." Napatigil ako sa pagsasalita nang hawakan nya ang kamay ko.
"Don't ever try to fall in love with Kuya Duri, ate San," Kumurap ito ng isang beses at gumuhit ang ngiti sa mata't labi. "Kilala ko si kuya, he never stay in a relationship and take a serious relationship simulang noong namatay si ate Alexis. I'm just concern what will happen to you if you fall for—" Ngayon, si San naman ang hindi ko pinatapos sa pagsasalita.
Gamit ang isa ko pang kamay, pinatong ko 'yon sa ibabaw ng kamay nya kung saan nakahawak sakin, "I will never fall for that man. Ikamamatay ko muna kapag nagkagusto ako sa kuya mo. Bukod don, hindi sya yung tipo ng lalaking gusto ko." Ngumiti ako bago huminga ng malalim, "Don't worry about me, it's safe." Itinuro ko ang dibdib ko kung saan nakapwesto ang puso. Yeah, it's safe. Hinarangan ko na 'to ng wall para kay Duri in case na... ugh! Never!
Pagkatapos naman ng usapan namin ni San, saktong dumating na ang magme-make up artist. Inumpisahan nya na kaming ayusan.
Nagsimula sya sa buhok ko. Habang busy sya sa pagbo-blower ng buhok ko, hindi ko maiwasan ang mapaisip sa sinabi ni San.
Napakaimposible naman kasi na mahuhulog ang loob ko kay Duri. Malabong mangyari 'yon dahil lahat ng ayaw ko sa lalaki, nasa kanya na ang lahat. Noong una pala, nakay Cal na yung mga attitude na gustong gusto ko sa lalaki pero kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko sa kanya dahil may babaeng handang maghintay, mahalin lang sya nito—at si San 'yon.
"Be, gusto mo bang i-curl pa rin natin 'tong dulo ng buhok mo?" Napatingin ako sa malaking salamin na nasa harapan ko. Kinakausap pala nya ako kanina pa.
Ngumiti ako bago sumagot, "Hindi na. Ayos na yang curl na yan."
"Sure ka ba ate Dessy?" Napalingon naman ako sa kinauupuan ni San na busy ngayon sa pagce-cellphone.
Tumango ako, "Oo, ayos na 'to. Hehe."
"Ah ganito na lang. Lagyan ko na lang sya ng konting braid dito sa taas then lagyan ko din sya ng gold leaves para disenteng tignan." Habang sinasabi 'yon ng baklang make up artist sakin, ginagawa na nya. Natapos sya sa pagbebraid ng buhok ko at natapos na din syang ilagay ang medyo mahabang gold leaves dito.
BINABASA MO ANG
He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - Completed
Teen Fiction"Ang dami mong sinasabi," nakangising sabi niya at inilapit ang bibig sa aking tenga. "Yeah, maybe I'm not a good guy. I'm the selfish one. I take what I want, I do what I want. I don't do the right thing but when it comes to you, I can change every...