Kabanata 38: Two Truths and One Lie

32.3K 1K 270
                                    






|| Dessy Leondale's Point of View ||



Tahimik lang akong nakaupo ngayon sa loob ng sasakyan habang nagdadrive si Zeke. Unti-unti ko na ring nakikilala ang daan na tinatahak namin. Papunta na ito sa compound kung saan ang bahay ni Duri.



"Bakit hindi sa bahay ko?" Wala sa wisyo kong tanong nang tumigil kami sa tapat ng bahay nina Duri.



Nilingon nya ko at ngumisi, "Diba sabi ko sayo pinasundo ka lang nya sakin." Inalis nya ang seat belt nya at nakita ko ang pag-ikot na ginawa nya sa harap ng sasakyan papunta sa pintuan ko.



Hindi ko na ito hinintay pa na buksan ang pintuan ng sasakyan at ako na mismo ang nagbukas. Bumungad agad ang dimple nya sakin nang harapin nya ko.



Inilibot ko na lang ang tingin ko sa buong bahay. Bakit nya ba ko pinapunta dito, dapat sa bahay na lang. Alam ko namang papagalitan n'ya lang ako.



"Hintayin na lang natin si Duri doon sa loob. Let's go?" Pinauna nya ako sa paglalakad papunta sa gate pero nang papasok na kami sa gate ay biglang may dumating na humaharurot na kotse at tumigil sa gilid namin.



"Hindi na pala kailangan." Umiiling na sabi ni Zeke habang nakangisi at nakatingin sa bumabang si Duri sa sasakyan.



Umiwas ako ng tingin sa kanya nang makita kong tinahak nya ang daan papunta samin.

"Dude!" Rinig kong tawag ni Zeke kay Duri.

Hindi pa rin ako nakatingin dito at hindi ko alam kung ano ang ginawa noong dalawa pero hindi ko narinig ang pagtugon ni Duri sa tawag ni Zeke.



"Let's go." Napaliyad ako nang hablutin ni Duri ang pulsuhan ko at mabilis kaming naglakad papasok ng bahay nila. Naiwan na si Zeke sa labas ng gate at napakamot na lang sa ulo. Naramdaman ko na lang na sumunod sya samin nang sya na mismo ang magsarado ng pinto nina Duri.



Binitawan nya ko ng makarating na kami sa sofa ng malaking bahay nila. Hindi ko pa rin sya kinikibuan at tahimik lang akong nakatayo doon.



"From now on, you'll stay with me. Again." Napaawang ang labi ko nang sabihin nya 'yon.

Nilingon ko sya at kunot noong tumingin dito. "Ulit? Teka kasama pa rin ba 'to dun sa usapan natin—"



"No!" Napatigil ako sa pagsasalita nang sigawan nya ako.

Napakunot noo naman ako nang marinig ko ang hagikhik na ginawa ni Zeke.

"Alright couples, alis na muna ako. I have so many costumer sa bar." Ngumiti at kumindat sakin si Zeke pagkatapos ay sumalubo ito kay Duri.



Tinanguan lang sya ni Duri at hindi na sumagot. Muli nyang binaling ang tingin sakin at napasinghap akong tumingin sa kanya.



Normal lang syang nakatayo sa harapan ko pero hindi pa rin naaalis sa mukha nya ang pagiging kunot ng mga noo pati na rin ang inis at seryosong tingin.



He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon