Kabanata 13: Exposed Secrets

39.2K 1.1K 181
                                    

|| Dessy Leondale’s Point of View ||

Kinilabutan at pinanlamigan ako ng kamay nang iyon ang isagot niya sakin.

“A-ano?” para namang masasamid ako sa sarili kong laway.

Nakita ko ang mariing pagpikit niya. Tinignan niya ako sa mga mata.

“Keep silent. Just stay on my back.” Malalim ang boses niyang utos.

Hinahapo naman akong huminga. Hindi ko kilala kung gaano kaitim ang budhi ng sinasabi nilang dalawa ni Cal na AlphaButlers pero ayon sa nakikita ko ngayon, malakas at nakakatakot nga ang mga ito.

Iyong walong lalaki sa aming likod ay nakabantay lamang. May mga kan’ya-kan’ya silang baril at armas tulad ng iba’t ibang tubo o panghampas. Mukhang naghihintay na lamang nila ang signal ng lalaking nasa harapan namin.

“Would you mind to share your discussion, Salcedo?” Parang nang-aasar na tanong noong lalaki.

Nginisian lamang siya ni Duri. “Mind your own business, Lennox.” Sagot nito.

Tumawa naman iyong tinawag ni Duri na Lennox at hindi rin nagtagal ay mukhang nainis siya sa sagot nito.

“Hobby mo talaga na inisin ako, Salcedo. Why did you just let me get the girl and cooperate with me, instead?” salaysay ni Lennox pakatapos tumawa. Inilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon at unti-unting lumakad papunta sa’min.

Nakita ko naman ang pagtaas ng kaliwang kilay ni Duri. Humalakhak siya. His laugh sounds damn hot even though he’s just teasing Lennox.

“The fuck, Lennox. No one will cooperate with a fucking greedy like you.” he smirked. “And who says I will let you get this girl beside me?”

Napalunok ako dahil sa tensyon.

“Kung hindi ka madadaan sa magandang usapan, I will force you to give up that fucking bitch.” tumingin sakin si Lennox ngunit kaagad din na tumingin kay Duri. “You have no weapon. Give me the girl and you’re free.”

Sandali akong napaliyad nang itago ako ni Duri sa kaniyang likod. Hindi na rin nakadaop ang mga kamay namin. Hawak na niya ako sa pulsuhan. Mahigpit na para bang hindi niya ako hahayaang makuha ng iba.

“Try me.” Hamon ni Duri na mas lalong tumindi ang aking kaba.

Tama siya. Wala kaming kahit anumang armas kumpara sa kanila. Hindi ko alam kung mananalo kami pero… naniniwala ako kay Duri.

Lennox’s smirked and I see him giving a signal to those man in the back. Napalingon ako at may isang lalaki na ang nagtangkang lumapit sa amin.

“Duri!” sigaw ko kay Duri nang biglang hawakan ng lalaki ang kabila kong kamay.

“Get off your dirty hands on her.” kalmadong utos ni Duri sa lalaki.

Binitawan naman ako ng lalaki at akmang susugurin si Duri nang bigla akong bitawan ni Duri. Umiwas siya sa suntok nito at nahuli niya ang kamay ng lalaki.

Malakas niyang binigyan ng suntok sa mukha ang lalaki. Bahagya akong napapikit nang makitang bumagsak ang ito sa lupa. Tatayo pa sana ang lalaki ngunit kaagad siyang sinipa ni Duri sa mukha ng ilang beses. Halos madurog ang mukha nito dahil sa sipa.

He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon