|| Dessy Leondale’s Point of View ||
“Lift your chin. Don't look down.” Narinig ko ang malumanay na boses ni Cal sa tabi ko.
Sabay kaming naglalakad sa corridor papunta sa next subject namin. Shifting ang subject tuwing Wednesday. Hindi namin kaklase si Tim at si Duri, sila ang magkaklase sa Statistic samantalang kami naman ni Cal sa Geography tuwing Wednesday.
Napatingin ako sa kanya, “Naiilang lang ako sa mga tingin nila, ayokong tinitignan ako ng ganon.” Pabulong kong sabi.
Mahigpit akong napakapit sa aking necktie. Hindi naman talaga 'yon ang totoong rason, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon tuwing malapit si Cal sakin. Ilang araw ko na rin itong nararamdaman and I don't know why I felt something like this.
Iyong nate-tense ako tuwing malapit s’ya. Naguguluhan ako sa sariling nararamdaman.
Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa nito. “Natatakot ka ba sa maaaring sabihin ng iba dahil ako ang kasama mo at hindi si Duri?”
Nilingon ko s’ya. Tuwid lang lang ang kan’yang tingin sa daan habang pinapayid ng hangin ang ‘di pangkaraniwang kulay pula n’yang buhok.
Agad naman akong umiling sa sinabi nya, "Hindi," Maang ko.
“Then why?” Napalunok ako nang tumingin sakin siya sakin. Yung singkit nyang mata ang malakas makahatak at pakiramdam ko ito ang asset nya.
Naparikhim ako at pilit inayos ang boses sa harap nya.
“Hindi lang talaga ako sanay.” Sagot ko.
Napatango naman siya at hindi na nagsalita.
Patago naman akong pumikit at huminga ng malalim. Ano bang pakiramdam ito? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Abnormal!
“Hey,” Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang maingat na paghawak ni Cal sa aking bag. “Where are you going?” Kunot-kilay niyang tanong.
Lumingon ako at ganon na lamang ang aking pagkagulat nang lumampas ako sa pinto ng aming classroom.
Itinuro niya ang aming classroom at napailing na lamang siya nang kumamot ako sa batok.
Binitawan niya ang bag ko at sabay kaming pumasok sa loob.
Nakakahiya! Kung ano-ano kasi ang iniisip ko. Lumilipad tuloy ang isip ko. Tsk.
Nang makapasok, bahagya akong pumikit habang umuupo sa bakanteng upuan sa tabihan ng bintana. Makikita rito ang malawak na soccer field ng school pati na rin ang buildings ng mga Junior High. Maraming estudyante pa rin ang nasa labas ngayon at kung ano-ano ang pinagkakaabalahan. Mula rin dito sa taas ay kitang-kita ang malawak na main gate ng BSU.
“Good morning class.” Agad kaming napatayo at binati ang dumating na si Mr. Quirona, ang Geography lecturer namin.
“Okay, sit down.” Dagdag nito nang makapunta na s’ya sa unahan ng white board.
Napalingon naman ako sa likuran ko at nakita kong nasa notebook ang atensyon ni Cal habang nakatuon ang ballpen nito sa kanyang pang ibabang labi.
Marahan akong bumalikwas ng upo sa harapan ko. Naglabas si Mr. Quirona ng makapal na kulay green na aklat at nagsimulang magsulat sa white board.
Habang nagsusulat kami, biglang may kumatok sa labas ng pinto. Napatingin ang lahat sa may pintuan nang banggitin ni Mr. Quirona ang pangalan nito.
BINABASA MO ANG
He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - Completed
Teen Fiction"Ang dami mong sinasabi," nakangising sabi niya at inilapit ang bibig sa aking tenga. "Yeah, maybe I'm not a good guy. I'm the selfish one. I take what I want, I do what I want. I don't do the right thing but when it comes to you, I can change every...