|| Dessy Leondale's Point of View ||
Nasapo ko ang aking ulo dahil sa sakit. Sinubukan kong imulat ang isa kong mata at inilibot ang paningin. Nasaan ako? Bakit parang hindi pamilyar ang lugar na ito?
Madilim, walang kagamit-gamit at aapat ang sulok. Wala akong maalala bukod doon sa nalasing ako kagabi at may kung sinong humatak sa'kin papalabas ng bar.
"Is that fucking girl you were saying?" Mula sa 'di kalayuan ay may narinig akong hindi pamilyar na boses ng lalaki.
Sinong may-ari noon? Bakit hindi ko makilala?
"Yes, she's that girl." Isa pang boses malapit din sa tabi ko. Hindi ko na napigilang mapakunot ng kilay.
Kaninong boses ang mga 'yon? Nasan ba talaga ako? Anong pinag-uusapan nila? Sinong tinutukoy ng mga ito?
Nagmulat ako ng mata at tinignan ang pigura ng dalawang taong nakatayo sa harapan ko. Blurry ang unang tingin ko sa mga ito, pumikit muli ako at umiling.
Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang makita kung sino sila. Hindi ko sila kilala! Matatalim ang mga tingin nito habang nakahalukipkip.
"Sino kayo? Bakit ako nandito?" Inilibot ko ang paningin sa buong paligid.
"Where's the money?" Mabilis ang naging pangyayari at napangiwi ako nang hatakin ng lalaking kulay gray ang buhok. Natamaan iyon ng liwanag na galing sa ilaw kaya nasisigurado kong gray iyon.
Lumunok ako. "Ha? Anong pera?" Sinubukan kong agawin pabalik ang braso ko ngunit hindi niya ako hinayaan.
Aww. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko!
"Stop playing around. Ibalik mo yung pera, makaalis ka ng buhay." Mariin niyang utas.
Napasinghap ako at aksidenteng gumawi ang tingin ko sa kaniyang leeg. May ahas na nakaguhit dito. Itim ang kulay at hindi kalakihan. Nakaikot ang buntot ng ahas habang nakanganga naman ito at labas ang mahabang dila. Nakakatakot. Hindi kaya miyembro sila ng sindikato? Tapos kinidnap nila ako at hinihingian ng pera?
"Ano bang pera ang sinasabi mo! Miyembro ba kayo ng sindikato? Masamang sindikato?" Sumigaw na rin ako gaya ng ginawa nya.
Umiling ito at tumaas ang dulo ng kaniyang bibig. Napadila siya sa gilid ng labi, sandaling inalis ang tingin sa'kin at pinasadahan ang kulay pilak niyang buhok.
Nang muli niya akong tignan, akma niya akong sasapakin nang may biglang sumalo ng kamay niya. Mahigpit itong hinawakan ng lalaking kulay pula ang buhok. Inilingan niya ito upang pigilan ang gagawin.
"Duri stop..." Dinig kong bulong ng red haired sa lalaking gray haired.
"Let go," May halong pagbabanta na utos ng lalaking nagngangalang Duri.
Hindi siya sinunod noong lalaking may kulay pula ang buhok. Nagsukatan lamang sila ng tingin at nang hindi na makapagpigil iyong si Duri ay lumabi ito.
"I said fucking let go!" Sigaw nito. Malakas niyang hinigit pabalik sa kan'ya ang kaniyang braso. Nagtagumpay naman siya.
Dahil sa lakas ng pagkahatak, natamaan sa labi iyong lalaking kulay pula ang buhok. Napalihis ang kaniyang mukha sa kanan. Pagkaharap nito sa amin ay agad siyang dumura at pinahis ang dugo sa labi.
Shit!
"Don't ever command me," madilim ang kaniyang tingin mula sa kinatatayuan ko ngunit alam kong ang pinatutungkulan niya ay iyong isang lalaki.
BINABASA MO ANG
He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - Completed
Teen Fiction"Ang dami mong sinasabi," nakangising sabi niya at inilapit ang bibig sa aking tenga. "Yeah, maybe I'm not a good guy. I'm the selfish one. I take what I want, I do what I want. I don't do the right thing but when it comes to you, I can change every...