|| Dessy Leondale's Point of View ||
Napalunok ako nang bitawan ni Duri ang braso ko at ngumisi ito. "Pumili ka, stay away from Cal and be mine or date me thrice and I will not disturb you again?"
Kung papayag akong makipagdate sa kanya, si Tim naman ang magagalit sakin. Pero may isa pa ring option, hindi na nya ako guguluhin pagkatapos ng tatlong date na 'yon.
Pero bago ko piliin ang pakikipagdate sa kanya, tinanong ko muna kung ano ang punto nya. "Tapatin mo nga ako," Masinsinan akong tumingin sa kanya. "Ano bang mapapala mo kung makikipagdate ako sayo? Ang dami naman dyang iba pero bakit—" Natigilan ako sa pagsasalita nang magsalita sya agad.
"Nothing," Nakangisi nyang sagot.
Napairap naman ako sa hangin at napakagat sa pang-ibabang labi. Bwisit na 'to, wala naman pala syang mapapala, eh bat ginugulo pa nya ako?
"Wala naman pala eh. Pero bakit mo pa ginagawa 'to?" Isinatinig ko ang aking nasa isip.
Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kanya, "Nothing is important on it. Jus take the risk or lose the chances. Ikaw na ang may sabi diba? Too many girls around me and yet, you're the one who have my attentions. Be pleasure sometimes." Kumindat pa ito pagkatapos nyang sabihin 'yon.
Bumuntong hininga ako at tumayo ng maayos sa harapan nya. Gagawin ko 'to para kay San, kay Tim at lalong lalo na kay Cal. Gwapo naman si Duri, pinapantasya sya ng mga kababaihan dito sa campus, pero hindi ko alam kung bakit sobrang bad trip ako sa ugali at sa mukha nya. Kahit anong pilit kong gustuhin ang isang 'to, parang hindi ko kaya. Sya na ata yung gwapong walang kadating dating sakin.
Ewan ko ba. Basta ako, si Cal ang gusto ko. I will do this for him. Ako naman yung magsasakripisyo.
"Pumapayag na ko," Maang ko sa kanya.
Nakita ko naman ang pagtaas ng kabilang kilay ni Duri. Hindi ito nagsasalita at nakangisi lang saakin.
"Basta ayoko ng maduming laro Duri. Tatlong date kapalit ng pagtigil mo sa panggugulo sakin." Pag-uulit ko sa kondisyon naming dalawa.
"Alright." Tanging usal nya. "I won't play dirty games. Promise." Napalunok ako nang marinig ko ang malamig na boses nya.
Tumango ako at nakipag deal sa kanya. Matatapos din 'to. Matatapos katulad ng nangyari kay Lennox. Lahat ng bagay, may hangganan.
Pagkatapos naming mag-usap ni Duri, sabay na kaming pumasok sa loob ng covered court at hindi ko muna pinansin ang iba't ibang mga tingin ng babaeng nakaupo sa bleachers. Napapabuntong hininga nalang ako sa mga naririnig kong mga salita galing sa kanila. 'Wag ko na lang pansinin, magsasawa din sila. Haters gonna hate.
Nang makalakad kami ni Duri sa court, sinalubong agad sya ni coach Jai Tolentino. Legendary coach ng THOD at pinakagwapo sa mga coach na nakilala ko. Kaso nga lang, may asawa na si coach, di na sya pwede.
"Hey Salcedo, I thought you would not join today?" Matikas na nakatayo ngayon si coach Jai sa harapan namin. Nakangiti ito kay Duri at parang hindi man lang ako nakikita sa tayo kong ito.
BINABASA MO ANG
He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - Completed
Teen Fiction"Ang dami mong sinasabi," nakangising sabi niya at inilapit ang bibig sa aking tenga. "Yeah, maybe I'm not a good guy. I'm the selfish one. I take what I want, I do what I want. I don't do the right thing but when it comes to you, I can change every...