|| Dessy Leondale’s Point of View ||
Dahan-dahan akong nagmulat ng mata. Hindi ko pa maalinaw ang pigura ng taong nasa harapan ko at nahihirapan akong kilalanin ang itsura n’ya dahil sa panlalabo ng paningin.
Narinig ko ang ilang yabag ng sapatos papalapit sa kinahihigaan ko. Tumayo s’ya sa tabihan ko at naramdaman ang pagpatong n’ya ng kanyang kamay sa aking noo . Napaayos ako ng higa at sandaling pumikit. Nang magmulat ay naalinaw ko na ang kan’yang mukha.
Ngumiwi ako dahil naramdaman ko ang sakit ng braso ko.
“Do you want something?” rinig kong tanong ni Cal.
Tumingin ako at nakatingin din sya sakin. Balak ko sanang umupo pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko bugbog pa rin ang katawan ko.
“Huwag ka munang gumalaw. Hindi ka pa magaling.” paalala sakin ni Cal.
Napapikit ako dahil sa sakit. Inilibot ko ang buong paningin ko sa silid at hindi ito pamilyar sa mata ko.
I took a gulp, “Nasa’n ako?” tanong ko sa kan’ya.
“Duri’s house. Nasa underground tayo at nasa loob ka ng infirmary.” kalmado niyang sagot.
Underground? May underground pala sa bahay na ito…
Muli akong pumikit at sumubok na umupo sa kama. Naramdaman ko naman ang kamay niya sa magkabila kong balikat at inalalayan akong umupo.
Napatingin ako sa kamay n’ya pati na rin sa mukha. May kaunti rin syang sugat doon, hindi pa rin nalilinis dahil kita ko pa ang natuyong dugo sa mga ito. Gulo at gusot din ang kanyang damit at buhok.
Hindi ba sya umalis dito para bantayan ako?
Sandali siyang tumalikod at nakita kong pumunta s’ya sa may white cabinet. Kumuha ito ng palanggana at malinis na tubig.
Nang lumapit s’ya sakin ay may dala itong white towel. Hinigit niya ang upuan sa katabi at doon naupo.
“Gagamutin muna kita…” akma niyang pupunasan ang aking noo nang pigilan ko ang kaniyang kamay.
“Bakit hindi mo muna gamutin ang sugat mo? Kaya ko na ang sarili ko, unahin mo muna ‘yang sarili mo.” paalala ko sa kanya.
“Stop worrying about me. I’m fine.” Inalis nya ang pagkakahawak ko sa kamay nya at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Sa pagkakataong ito, ginamot na naman niya ako.
“I'm sorry for bringing you in this kind of trouble. Kasalanan ko kung bakit ka napapahamak.” Napatingin ako sa kan’ya nang bigla itong magsalita. Abala siya sa pagpupunas at bindi sa akin nakatingin.
Tumigil sya sa pagpupunas saka tumingin din sa mga mata ko. “Hindi mo man lang ba ako susuntukin or what? Just do what you want, I won't complain. Besides, it's my fault why you we’re hurting.” Ngumiti si Cal at pakiramdam ko, bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa ngiting iyon.
Tama sya, bakit nga ba hindi ko sya suntukin o hampasin o kaya bugbugin, o kaya naman tadyakan? Kasalanan nya kung bakit ako nasa ganitong kalagayan ngayon diba? Pero bakit hindi ko man lang sya kayang sisihin o kainisan man lang?
BINABASA MO ANG
He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - Completed
Teen Fiction"Ang dami mong sinasabi," nakangising sabi niya at inilapit ang bibig sa aking tenga. "Yeah, maybe I'm not a good guy. I'm the selfish one. I take what I want, I do what I want. I don't do the right thing but when it comes to you, I can change every...