|| Dessy Leondale's Point of View ||
Hindi ko alam kung paano ko nagawang matulog kagabi. Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin kung paano ako hinalikan ni Duri at kung paano ko sya hinayaang halikan ako. Pero pagkatapos naman ng halik na 'yon, wala ng nangyari samin. Hinalikan nya lang ako at iniwan akong tulala habang nakatingin sa pader ng kusina kagabi.
Hindi ko namalayan na hinahawakan ko pala ang labi ko habang nakatingin ako sa kisame ng kwarto. Agad naman akong napabalikwas ng higa at inis na sinipa ang kumot na nakabalot sa paanan ko.
Hindi ko dapat hinayaang halikan niya ako ng ganoon!
Hindi ako gumanti ng halik pero nagpadala ako sa mga halik nya!
I don't know why I felt like I am drowning at his kiss and I can't help myself from going up!
Ang tanging alam ko lang... tunay na nakakalasing ang halik niyang iyon.
Muli akong nagpapapadyak sa ibabaw ng kama, halos saktan ko na ang sarili ko dahil sa kapabayaan ko.
Ilang sandali pa, bigla namang nagring ang aking phone sa ilalim ng unan.
Inabot ko iyon at pinindot kaagad ang 'answer' nang makita kung sino ang nasa caller's ID.
Si Tim.
Umupo ako sa ibabaw ng kama at sandaling inayos ang buhok na nakaharang sa mukha ko.
"Hello Tim? Ang aga mo ata?" Salubong ko sa kabilang linya.
"Anong maaga? Late na kaya, 8AM na oh! Hindi ka ba papasok?"
Nang marinig ko ang sinabi n'ya, agad na bumaling ang aking ulo sa wall clock sa aking kanan.
Pasado alas otso trenta'y tres na! Shit! Napasarap ata ang tulog ko kagabi!
"Hey? You still not going? Bumangon ka na d'yan! Aabot ka pa sa gneral practice! Just make sure na bibilisan mo, I'll wait you at the Big Doom. See yah!"
Pagkapatay pa lamang ni Tim ng call ay tumakbo na kaagad ako patungong bath room upang maligo.
Bakit ba kasi hindi ako nagising ng maaga? Nature ko naman na yung paggising ng umaga kahit weekends pero hindi kaagad ako naalimpungatan noong alas singko.
Mabilis kong tinapos ang pagligo at nagbihis agad ng uniform. Kalahating minuto na lang at practice na para sa event na magaganap kinabukasan.
Pagkababa ko sa sofa, wala ng tao ro'n. Hindi ko alam kung wala ba talaga o nasa kan'ya kan'ya pang mga silid.
Tahimik lang akong bumaba sa grand staircase at inilibot ang tingin. Nagbabaka sakaling may tao pa.
"Good morning, Ate Dessy."
Kaagad akong napatingin sa aking kanan. Nakatayo roon si Dara habang isinusuot ang napakaganda at simple niyang hikaw na kulay silver. Nakasuot s'ya ng yellow dress at bagay na bagay sa maputi nyang kulay. May nakasabit rin na shoulder bag sa kan'yang balikat at halatang may pupuntahan siya.
Ngumiti ako. "Good morning, Dara. Aalis ka?" Tanong ko sa kan'ya.
She just smiled back like an angel and took some steps to reach me.
"We're going to somewhere. Come on, change your dress." Sagot niya na nakapagpakunot ng aking kilay.
"Ha? S-somewhere? Saan?" Naguguluhan kong tanong.
BINABASA MO ANG
He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - Completed
Teen Fiction"Ang dami mong sinasabi," nakangising sabi niya at inilapit ang bibig sa aking tenga. "Yeah, maybe I'm not a good guy. I'm the selfish one. I take what I want, I do what I want. I don't do the right thing but when it comes to you, I can change every...