|| Dessy Leondale’s Point of View ||
“Seriously, Cal?” Saad ng babae. “Kilala mo s’ya or you just want to help this bitch out of here?” Inis na asik nito.
Kinalas ni Cal ang pagkakahawak sa’kin at hinarap ang babae.
“Do you think, it would be nice if Duri will find out that you hurt her?”
Kumunot ang noo ko nang sabihin ‘yon ni Cal.
Ganon din ang babae. Tumawa ito at humalukipkip. “So what? Ano ba ni Duri ang babaeng ‘yan? One of his nameless girl? A bitch?” Tinaasan ako nito ng kilay nang mataan niya ako.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi ko nagustuhan ang tabas ng kaniyang dila.
“She’s not just a nameless girl nor his bitch. She’s Duri’s girl friend and,” nilingon ako ni Cal. Bahagya akong napaliyad nang bigla niyang hablutin ang kamay ko. “She’s my friend.” Dugtong niya na mas ikinalaki ng mata ng babae.
Napalunok ako ng laway nang pisilin ni Cal ang aking kamay. Hindi naman na nakasagot pa ang babae at umirap ito pagkatapos ay tumalikod samin.
Pagkatalikod niya, lumakad ito palayo at nakita ko pa ang pag-alis niya ng mask sa kaniyang mukha. Ganoon din ang ginawa ng iba pang mga lalaki. Sumunod ang mga ito sa babae at pumasok sa isang bakal na pinto.
Tumingin ako kay Cal, bahagya niya akong nginitian kaya ngumiti rin ako. Tumango siya at marahang iginiya ang aking katawan papunta sa pinasukan ng mga armadong iyon.
Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang lugar na pinasukan namin.
May basement pala ang eskenitang ito kaya ganoon na lang sila kung maka-react.
Mga tauhan din pala sila ni Duri at si Cal ngayon ang may hawak sa mga ito. Naikwento n’ya lang sakin noong pababa kami sa paikot na hagdan.
Pinaupo ako ni Cal sa isang malambot na couch na nakapatas sa dulo ng malawak na basement.
Umalis siya kanina at nang makabalik ay may dala na itong Care Kit box.
Hindi na ako nakamaang nang magpresenta siyang gamutin ang nagasgasan kong tuhod.
Humila siyangng maliit na upuan at ipinatong sa lapag ang box. Tinignan niya ako at sandali akong napalunok.
“How did you get here?” Bigla niyang tanong.
Umismid naman ako at umisip ng maidadahilan.
“Balak ko sanang magstar bucks kanina pero ‘yon nga…” nag-iwas muli ako ng tingin at umismid. “Nakita kita.”
Napatigil siya sa pagpapahid ng betadine sa’king tuhod at kumunot ang noo nito.
“So, that’s why you’re here? You followed me?” tanong niya nang muling ilapat ang huling tulo ng betadine sa’king tuhod.
Napakamot ako sa aking leeg, “Parang ganon na nga.” Sagot ko.
Tumingala siya at tinignan ako. “Why?”
Napakagat ako sa pang-ibabang labi at sandaling pumikit. “Wala. May gusto lang sana akong itanong sa’yo kanina pero…”
“Pero?” agad niyang tanong.
Umiling ako at nagdadalawang-isip na ngumiti. Hindi ko alam kung bakit nate-tense ako kapag tumitingin ako kay Cal at kapag kausap ko siya.
“W-wala. Nakalimutan ko na.” palusot ko sa kan’ya pagkatapos ay ngumiti na parang aso.
BINABASA MO ANG
He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - Completed
Teen Fiction"Ang dami mong sinasabi," nakangising sabi niya at inilapit ang bibig sa aking tenga. "Yeah, maybe I'm not a good guy. I'm the selfish one. I take what I want, I do what I want. I don't do the right thing but when it comes to you, I can change every...