Kabanata 6: It's Me Again

46.2K 1.4K 206
                                    


|| Dessy Leondale’s Point of View ||


Lumunok ako ng laway at umakto ng normal, umaktong hindi ko sila kilala. Sobrang bilis at lakas ng tibok ng puso ko lalo na’t nandito rin sila. Suot ang unipormeng katulad ng suot namin.

Imposible. Dito rin sila nag-aaral? Kailan pa? Dahil ba sa sobrang laki ng BSU kaya hindi ko sila nakikita man lang?

Huminga ako ng malalim at binawi ang kamay ni Tim sa pagkakahawak ni Duri. Hindi n’ya pwedeng hawakan ang kaibigan ko!

“Tim, tara na.” Hihilahin ko sana si Tim para umalis na kami roon nang biglang may humatak din sa kabilang kamay ni Tim.

Napatigil kami.

“Where do you think you are going, huh?” Si Gio. Matalim ang tingin niya sa’kin at parang wala kaming balak paalisin.

“I’m sorry. Will you please, let go off her hands. Hindi naman n’ya sinasadya.” Pinakalma ko ang boses ko para hindi na lumala ang isyu.

Kilalang bully si Gio sa University. Naiinis ako kasi hindi pa rin sya nagbabago. Isip-bata pa rin! Lahat na lang ng bully sa University nito ay mga parang mga isip-bata at kulang sa aruga ng mga magulang! May matino bang anak na matutuwang manakit ng tao, pisikal man o emosyonal?

Lumapit sakin si Gio at malakas akong tinulak. “Wag ka ngang mangialam!”

Dahil sa lakas ng pagkakatulak ay napabitiw ako kay Tim at napasandal sa taong nasa likuran ko. Napaluno ako nang maramdaman ang kamay nitong sumalo sa bewang ko upang hindi bumagsak.

Lumingon ako at nagtama kaagad ang mata naming dalawa. Hindi rin naman iyon nagtagal dahil marahan niya akong tinulak para makatayo ng ayos. Sinambot lang talaga n’ya ako para hindi mahulog.

Bumalik ang tingin ko kay Tim, she’s getting nervous. Nangingilid na ang luha sa kan’yang mata habang nakahawak sa braso n’ya si Gio.

Sira ba ang ulo ng lalaking ito? Hindi n’ya ba alam na pwede s’yang mapatalsik dahil sa inaasta n’ya. Gago!

“Gio, bitiwan mo sabi si Tim!” Iwinaksi ko ang kamay n’yang nakahawak sa braso ni Tim.

Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para itulak siya. Tumayo na lang ako ng tuwid para ipakitang hindi ako natatakot sa kan’ya.

Ngumisi ito at napakuyom ang kamao nang tignan niya ako. Dahan-dahan s’yang lumapit sa’kin. “Son of a bitch—“

Akmang sasapakin n’ya ako nang biglang may sumangga sa kaniyang suntok. Malaking palad ni Duri ang sumalo sa kamao ni Gio.

Hawak n’ya ang kamay ni nito at parang walang hirap na pinipigilan. Iwinaksi niya ito at pumwesto sa unahan namin ni Tim.

“Hindi nga raw sinasadya, ‘di ba?” Pabulong na sabi ni Duri habang nakikipagsukatan ng tingin kay Gio.

Napatawa si Gio at nagulat kami nang bigla niyang hawakan si Duri sa kuwelyo.

“Sino ka ba, ha? Ang lakas ng loob mong kausapin ako ng ganyan, ah!” Galit na sabi ni Gio.

He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon