Kabanata 53: Run

29.2K 813 250
                                    




|| Duri Salcedo's Point of View ||


Napaluhod ako sa harapan ni Lennox nang may dumating na mga tauhan n'ya sa bawat gilid ng kwarto kung nasaan kami. Malakas na pinalo ng isa sa kanila ang likod ng tuhod ko kaya nakatuon ang isa kong tuhod sa sahig.

Hindi ko naiwasan ang mapangiwi nang maramdaman ang kaunting kirot sa binti ko.

"Help him to stand, masyado n'yo atang pinuruhan ang binti n'ya." May halong tuya sa pagkakasabi n'ya.

Akma kong aabutin sa tabihan ko ang nahulog na hawak kong baril pero nakuha agad ito ng isa sa kanila.

Itinayo na nila ako at lumabas ng kwarto. We're now heading in somewhere. Napakunot ang noo ko nang may mapansin akong parang laboratory pero bago ko pa lingunin ang tagiliran ko ay hinarangan na agad nila ang dalawang mata ko gamit ang itim na tela.

"Bullshit!" Mura ko sa kanila habang tinatali iyon. Hindi na ako nakagawa ng kahit anumang paggalaw at hinayaan na lang.

Narinig kong may bumukas na pinto at pumasok kami. Naghila sila ng isang upuan at doon ko naramdaman ang pagtulak nila sa'kin para makaupo.

"Fuck you Lennox!" Angil ko sa kan'ya. Alam kong nandito rin s'ya at pinapanuod ako.

Tinali nila ang kamay ko sa likod ng upuan kaya hindi ako makakilos ng maayos. Someone removes my cover in my eyes. Sandali kong pinikit ang mga mata ko para maibalik ang malinaw kong paningin. Nakatayo si Lennox sa harapan ko at kaming dalawa na lamang ang natitirang nasa loob. I toured my eyes around the room. Napako ang tingin ko sa tabihang ibaba ni Lennox. I saw Dessy, lying down the floor. Her skin are getting worst and pale. I can see how her body and emotions reacts while taking those fucking poison that attacking her whole body system.

I clenced my fist and jaws as I looked to the person in front of me. Nakangisi ito habang pinapagalaw sa mga darili n'ya ang isang medyo kalakihang syringe na hindi ko alam kung para saan.

"Sa oras na makawala ako rito, papatayin kita." Banta ko sa kan'ya.

Humakbang s'ya papalapit sa'kin at tinapik ng tatlong beses ang pisngi ko. "Nakatali ka na nga't lahat, hindi pa rin nababawasan ang kayabangan mo. Stop talking and do the bullshit." Tumawa ito ng pagak nang itapat n'ya ang tingin n'ya sa'kin. "How it feels to see your love's dying in front of you? Does it hurt?"

Pilit kong ginalaw ang upuan ko at gustong gusto na ng mga kamay kong suntukin ang pagmumukha n'ya pero hindi ako nagpa-apekto at nginisian na lamang ito. "So, you're doing these because I killed Shein? Gumaganti ka?"

Nakita ko ang pagkunot ng kilay na ginawa ni Lennox. I still see his affection every time I said Shein's name.

He grabs my collar. "Are you really trying to make me more angry, huh? Sinusubukan mo talaga ako." He smirked and tightly holds my collar. "Tignan natin kung hanggang saan iyang yabang mo kapag pinatay ko na sa harap mo ang babaeng mahal mo."

Mahina akong tumawa habang nangangatal na ang buong kamay n'ya habang nakahawak sa'kin. I used this time to manipulate his attention. Dahan dahan kong hinuhugot sa dulo ng sleeves ko ang nakatagong small knives.

"Babaeng mahal ko?" Umiling ako habang tinatawanan s'ya. "Are you fucking serious? Who the hell told you na mahal ko nga ang babaeng 'yan?" I lied. I really do. I love her.

He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon