Kabanata 50: Capture

28.7K 791 84
                                    



|| Dessy Leondale's Point of View ||



Nasa bath room ako at katatapos ko lang maghilamos. Hinugot ko ang isang maliit na face towel na nakasabit sa bubog na pinto ng bath room saka pinunasan ang mukha ko. Malalim na buntong hininga ang ginawa ko nang matapos akong maghilamos at tumingin sa salamin. Kagigising ko lang at naalala ko ang mga binitiwang salita sakin ni Duri kagabi. Pagkagising ko rin kanina ay wala na ulit s'ya sa higaan.



Totoo kaya iyong mga sinabi n'ya? Malamang hindi? Hindi n'ya kayang kontrolin ang sarili n'ya lalo na kapag may magandang babae ang humarap sa kan'ya. Pero paano nga kung totoo?



Habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin ay biglang tumunog ang phone ko na nakalagay sa table sa tabihan ko. Nang makita ko ang pangalan ni Tim sa caller name ay agad kong pinunasan ang kamay ko at sinagot ito.



"Oh? Napatawag ka?" Tugon ko kay Tim nang sagutin ko ang tawag n'ya.



"Nasaan ka?" Balik tanong n'ya sakin. Lumabas muna ako ng bath room at pumunta sa maliit na cabinet ko para kumuha ng damit dahil maya-maya lang ay maliligo na ako.



"Nasa bahay pa rin nina Duri, bakit?" Muli kong tanong dito.



"May ginagawa ka?" Napanguso ako dahil sa isa na namang tanong n'ya. Tanong ako ng tanong pero ni-isa wala pa s'yang sagot samantalang ako puro sagot at tanong ang ibinabalik ko sa kan'ya. Nako, Tim.



"Wala. Kakagising ko lang din tapos mamaya liligo na ako. Teka, bakit ba?" Inilipat ko sa kabilang tenga ko ang cellphone ko at kumuha ng tuwalya sa standy.



"Kagigising mo lang? Alas dyis na oh. Puyat na puyat?" Narinig ko itong tumawa at parang may kinakain dahil naririnig ko ang malulutong na tunog habang ngumunguya ata s'ya. "Pupunta kasi ako d'yan e. Baog na baog na ko dito sa bahay. Nabobored na rin ako dahil tuwing isinasama ako ni Daddy sa mga event, hindi na ako nakakapagrest—nakakapagrest naman pero nakakabagot pa rin." Reklamo nito sakin. Hindi ko man nakikita ang reaksyon n'ya ngayon pero nai-imagine ko na ang itsura n'yang nakabusangot na naman.



Tumawa rin ako sa sinabi n'ya. "Osige na. Hintayin kita rito at baka hindi ka na magkaanak n'yan kapag nabaog ka sa bahay n'yo. Siraulo." Malakas akong napahagalpak at tinawanan pa s'ya. "Ano bang oras ng punta mo rito para makapagluto ako." Tanong ko sa kan'ya.



Muli ko s'yang narinig na ngumuya at nakailang subo ata dahil ang tagal sumagot. "Mga lunch time, aalis din sina Mommy mamayang 11 AM so, 12PM ako pupunta. Tsaka, 'wag ka ng magluto, I will buy foods na lang sa super market kapag dumaan ako papunta d'yan. Diet ako at ayokong makakita ng rice." Narinig ko ang pag 'huhuhu' n'ya na parang umaaktong umiiyak.

He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon