1. The Transferee

5.5K 213 62
                                    

Bas' POV

Nasa school na ako pagkatapos namin bumili ng frappuccino sa Starbucks Coffee. Mabuti nalang at may kalapitan lang din sa school kaya naglakad lang kami papunta dito. Hindi pa rin ako maka get-over sa lalake kanina na panay ang titig sa akin. Siguro manyak yun at parang nag X-ray na siya sa katawan ko. Naku, I got harassed at sa umaga pa talaga.

"Chingu, bakit napa blank stare ka diyan?" Tanong sakin ni Jerome.

Agad ako bumalik sa wisyo ko nung napatanong siya sa akin.

"May iniisip lang chinggu." Sabi ko.

Binuksan ko na yung libro ko habang hinihintay namin yung teacher for our first subject. Baka kasi mag pretest siya bago maglecture. Si Jerome chill lang sa tabi ko at si Oreo naman nag-google.

Hinayaan ko nalang sila basta ako I'm getting myself ready kung sakali may quiz.

"Bas, andiyan na yung teacher." Pinaalam sa akin ni Jerome.

Napatingin ako sa harap at may dala siyang mga papel.

"Okay, close your notes and books 'coz I'm going to give a pretest."

Advance talaga ako mag-isip o baka ka-league ko na yung mga teachers namin dahil alam na alam ko yung mga iniisip nila.

Napakamot ng ulo sina Oreo at Jerome, sabay tingin pa sa akin. I really know that look na parang nagmamakaawa. Wala naman din akong magawa dahil close friends ko sila. Tumango nalang ako sa gusto nila.

Binigay na ng teacher yung questionaires at answer sheets sa amin. Mabuti nalang ay nabasa ko ito kagabi kay easy lang ito.

Mga ilang minuto ay narinig ko yung teacher namin na may kausap at dinig na dinig ko pa yung tili ng mga girls. Hindi na ako tumingin dahil nakafocus na ako sa pagsagot at ang mga kaibigan ko ay nakafocus na din sa pangongopya sakin.

In my peripheral vision, nakita ko lang na may dumaan at parang umupo siya sa likod ko. Hindi na rin ako nagbother na tingnan dahil gusto ko matapos yung quiz.

Madali ko natapos yung quiz at hinintay ko pa yung dalawa na matapos sa pag-copy.

"Wag niyo naman i-perfect yan baka makahalata yung teacher namin." Sabi ko sa kanila.

Tumango lang sila as if na nag-iisip ng sagot. Nung napansin ko na tapos na sila ay pinasa ko na yung mga papel ko.

Nung bumalik ako sa upuan ko ay nanlaki ang mga mata ko nung nakita ko yung lalake kanina sa Starbucks Coffee.

Kaklase ko pala siya? Kaya pala nakatitig siya sa akin kanina dahil alam niya na classmates kami. Pero, bakit Queenie ang tawag niya sa akin? I'm sure baguhan lang siya.

Umupo na lang ako na parang di ko siya kilala. Hindi naman niya nakita dahil naka-concentrate siya sa pagsagot ng quiz.

"Bas, salamat." Sabay pa silang dalawa na nagpasalamat sa akin.

"Ililibre niyo ko ha."

Yan lang talaga ang kabayaran nila sa akin at kahit ano naman ilibre nila sa akin ay okay lang ako... kahit fishball, payts na yun!

Nung pinasa na ng lalake sa likod ko yung mga papel niya at napansin niya ko havang pabalik siya sa upuan. Ngumiti pa siya sa akin nung napadaan siya. Pagkatapos ng lahat ay nagsimula na yung lecture namin.

Continuous yung mga subjects namin sa umaga hanggang 11am. Kaya nga gusto ko ang Friday dahil dito. Early lunch at early dismissal.

Lunchtime, bago pa kami umalis ng mga kaibigan ko biglang tumayo yung lalake sa likod ko at humarap siya sa akin.

My Fair PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon