Tumakbo paalis sina Kimmon at Pring matapos binaril ang anak ko. Na-shock ako sa nangyari dahil isang bata lang ang walang awang binaril ni Pring. Napasigaw ako ng husto matapos yung insidente.
"Daddy, are you okay?"
Masyadong mabilis yung pangyayari at hindi ko na alam yung ensaktong nangyari bago bumaril si Pring.
"Godt!" Napasigaw si Copter at lumapit agad siya.
Hindi pa nag-sink in sakin yung nangyari.
"I'm okay, baby." Sagot ni Godt.
Pero, hindi siya okay dahil prinotektahan niya ang anak ko. Si Theo sana ang mabaril pero si Godt ang napuruhan.
"Daddy, you're not okay!" Sumigaw na ang anak ko. "You're bleeding!"
Kinarga pa ni Godt si Theo at binigay niya sakin ang anak ko. Natulala pa rin ako dahil hindi ko inasahan na buhay pa ang anak ko dahil kay Godt.
"Mommy..." umiyak ng husto ang anak ko. "Daddy is not okay. Is he going to die? I won't allow it!" Sabi niya habang umiiyak ng todo.
Napayakap ako sa anak ko at napatingin pa ako kay Godt na nakangiti sa amin.
"No Baby... we'll bring Daddy to the hospital."
Agad inalalayan ni Copter at ng mga tauhan niya si Godt at nagmadali ako nagbihis. Nataranta na rin ako dahil sa sitwasyon ni Godt. Hindi na ako nagsuot ng underwear dahil hindi ko na makita yun.
Paglabas namin ay nahuli din sina Kimmon at Pring ng mga pulis at tauhan ni Perth.
Sumisigaw ng husto si Pring dahil sa nangyari sa kanila.
"Okay ka lang Godt?" Tanong ni Perth.
"Gago ka! Malamang hindi ako okay. Dalhin niyo na ko sa hospital."
Tumawa pa si Perth sa sagot ni Godt. Nakita ko na hindi pala masyadong napuruhan si Godt. Sa may deltoid area lang siya natamaan.
"Young Master, wag ka na mag-alala kay Godt. Walang vitals natamaan sa kanya." Pinaalam sakin ni Perth.
"Ihatid niyo na siya sa hospital." Sabi ko.
"Mommy, can I go with Daddy?" Umiiyak pa rin ang anak ko.
"Yes baby. You can go with Daddy and uncle Copter." Sagot ko.
Tumakbo na siya papunta sa kotse kung saan sumakay si Godt. Nagpaiwan pa ako dahil hindi pa tapos ang laban. Kukunin na sana ng mga pulis sina Kimmon at Pring pero pinigilan sila ni Perth.
"Sir, ibalato mo muna sila sa amin." Sabi ni Perth at nagbigay siya ng check.
Alam na alam na ni Perth yung gusto kong mangyari. Nung una ay ayaw pa ng head ng pulis pero pinaliwanag na ni Perth kung sino ako. Pinayagan ko na si Perth na gamitin ang kapangyarihan ko para makuha ko ang gusto ko just for this.
Inutusan na ng head ng pulis ang mga tauhan niya to withdraw at yung mga tauhan na ni Perth ang pumalit sa pagdampoy nina Kimmon at Pring.
"Ilan ang namatay sa mga tauhan ni Copter?" Tanong ko.
"Lima po young master."
Ayoko sana maging demonyo ngayon pero dinamay na nila ang anak ko at muntik na mamatay kaya hindi pa tapos ang laban namin sa mga baliw.
"Sa tingin mo ba natatakot ako sayo, bakla?" Sigaw ni Pring sakin habang pinipigilan siya ng mga tauhan ko.
Lumapit ako sa kanya at ako na ang ngumisi kung paano siya ngumisi kanina.
BINABASA MO ANG
My Fair Prince
FanfictionStorya ito ng isang teenage boy (Bas) na napilitan magpanggap na babae dahil sa isang rason na kailangan ng taga-pagmana ang pamilyang Panitchayasawad, na isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bansa. Sa kanyang pagpapanggap ay makilala niya ang is...