Pumunta ako sa bahay ni Lolo kasama ang mga anak ko dahil inimbita ko ang pamilya ko para sa mga plano ko. Masaya kami sinalubong ni Lolo dahil sa mga anak ko.
"Drake, alalayan mo muna si Lolo ha baka mabitawan niya ang mga anak ko." Utos ko sa kanya.
"Grabe ka naman apo. Malakas pa rin ako."
"Naku Lo, hindi mo lang alam kung gaano kalikot ang mga bubwit ni Kuya Wayo." Sabi ni Drake.
Napangiti nalan ako dahil totoo ang sinabi ni Drake. Kailangan talaga alalayan si Lolo baka kasi hindi niya makayanan ang mga malilikot kong anak.
Pumasok na kami at naka-ready na pala ang mga crib nila pati na rin mga laruan. Excited talaga si Lolo nung tumawag ako sa kanya nung isang araw. Nakikipaglaro naman ang mga bata sa kanya maliban lang kay Theo. May tampo-mode na naman ang anak ko dahil wala si Godt. Naki-usapan kasi siya ni Godt na wag iiyak kapag wala siya at mukhang naintindihan naman ni Theo.
"Anong oras darating sina Dad at Queenie?"
"Lunch time apo." Sabi ni Lolo habang nakipaglaro sa mga bata.
Napatingin ako sa orasan at masyado kaming maaga dito sa bahay ni Lolo. Mga 9:30am pa lang at excited pa naman ako sabihin sa kanila yung plano ko. Napag-usapan na din namin ni Godt ito kaya everything is fine.
Dumating sina Dad at Queenie mga 12:40pm na at gutom na gutom na ako. Inuna ko pakainin ang mga bata at mabuti naman walang tantrums 'to si Theo. Sumunod lang siya sa gusto ko.
"Wayo, sorry nalate kami for lunch." Sabi ni Queenie habang niyakap niya ko.
"It's okay. Ang importante nandito na kayo."
Iba ang perfume ngayon ni Queenie, amoy Ralph Laurens na scent. Alam ko na kung bakit na-late siya dahil nakipag-joogs pa siguro kay Tao.
Niyakap din ako ni Dad at niyaya na niya kami kumain. May binili pala siyang mga pagkain kaya masaya na ko dahil maparami ang kain ko nito.
"Wayo, anak, bakit mo pala kami tinipon dito sa bahay ng Lolo mo?" Tanong ni Dad habang kumakain kami.
Nahinto ako sa pagkain.
"Dad, Lo, Queenie... may mahalaga akong sasabihin sa inyo. This regards to me and I hope you'll support me."
"Oo naman apo. Ano ba sasabihin mo at parang seryoso ka pa diyan?" Tanong ni Lolo sakin.
Napa-inum pa ako ng tubig bago ako sumagot.
"I'm going back to school."
"Talaga?!" Mukhang excited pa si Queenie kesa sakin.
"Yes. Godt enrolled me in a business school in Sinagpore next year, kaya mawawala muna ako ng ilang taon."
"That's good anak. Pero paano ang mga bata?" Tanong ni Dad.
"Isasama ko sila sa Singapore. Ayoko mahiwalay sila sa akin. Ni-ready na lahat ni Godt yung titirhan namin kaya everything is settled."
Biglang tumayo si Dad at nilapitan ang mga anak ko. Kinarga pa niya si Theo, sunod naman si Cerdic.
"Ma-mimiss ko pala ang mga apo ko." Sabi ni Dad.
Alam ko naman na papayag sila. Kailangan ko lang talaga magpaalam dahil gusto ko rin ibahagi sa kanila ang naging desisyon ko sa buhay.
"Wayo, wag mo ng aalahanin ang kumpanya. Ako muna mamamahala hanggang sa makabalik ka." Sabi ni Dad.
"I know Dad. Maasahan naman kita."
BINABASA MO ANG
My Fair Prince
FanfictionStorya ito ng isang teenage boy (Bas) na napilitan magpanggap na babae dahil sa isang rason na kailangan ng taga-pagmana ang pamilyang Panitchayasawad, na isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bansa. Sa kanyang pagpapanggap ay makilala niya ang is...