53. The Lost Heir

2.3K 111 51
                                    

Ewan ko ba kung bakit hindi madistinguish ni Joss na hindi ako si Bas. Lakas din ang tama ng lalakeng ito sa kakambal ko at mukhang hindi pa niya alam na kasal na ang kapatid ko kay Frank.

Nagbangayan na ang dalawang gago dito sa harap ko at gumawa pa ng eksena. Parang gusto na ata ng boxing kaya umalis ako at iniwan ko sila.

"Queenie... teka."

Narinig ko si Tao na pilit ako pinipigilan. Well, ayoko rin ng gulo at eskandalo baka maging trending naman ako sa social media.

"Hey... Bas, tumigil ka nga sa paglalakad."

At hindi lang pala si Tao ang sumunod sakin pati na rin si Joss. Mga baliw!

Napahinto ako nung nasa harap ako ng elevator. Nasa baba pa kasi kaya nahabol ako ng dalawang kumag.

"Ihahatid na kita." Alok ni Tao.

"No, sa akin sasama si Bas." Sabi naman ni Joss na parang nag-agawan ng isang candy.

"Hindi nga siya si Bas. Hindi ka ba nakakaintindi?" Nainis na rin si Tao sa pagpupumilit ni Joss na ako si Bas.

Hinayaan ko sila mag-argue total aalis naman din ako. Bahala na sila sa buhay nila.

"Anong hindi yan si Bas? Alam ko siya yan dahil magaling siya magpanggap bilang kapatid niya."

Hay naku. Malabo talaga ang mata ni Joss at hindi niya alam na ako si Queenie. Parang gusto ko ng matawa sa katangahan ng lalakeng ito.

"Ewan ko sayo. Pumunta ka sa bahay ni Frank, nandun ang hinahanap mo." Sabi ni Tao.

Biglang natahimik si Joss sa sinabi ni Tao. Pero hindi pa rin siya nakumbinsi.

"Owws? Ganito nalang. Maghubad ka ng blouse mo, Bas."

Napalingon ako kay Joss dahil sa utos niya. Nabibwisit na ako sa mga gagong ito. Now I know why my brother dumped them.

"Gago ka pala eh! Sabi nga hindi siya si Bas at paghuhubarin mo pa." Depensa naman ni Tao sakin.

"Yun lang naman ang paraan di ba upang malaman natin na siya si Bas. Walang boobs si Bas so kaya niyang maghubad sa harap natin." Sabi ni Joss.

Agad naman sinuntok ni Tao si Joss dahil sa kabastosan ng kumag. Napabuntong hininga na lang ako sa kanila at ensakto din na dumating yung lift. Habang nagsusuntukan sila ay pumasok na ako at sinara ko na yung pinto.

Bahala na ang staff ang pumigil sa kanila.

Nagbook nalang ako ng Grab Taxi para umuwi at pinaalam ko na din sa kakambal ko yung nangyari thru text.

"Ha? Ikaw ang ka-date ni Tao?"

Oops!! I forgot... hindi pala alam ng kakambal ko na ako an gpinagtripan ni Tao. Gosh! Nawala sa isip ko.

"No... friendly date lang."

"Mamatay?"

Bwisit! Pati kakambal ko pinagtripan ako. Ano ba Bas, suportahan mo naman ako.

"Ewan ko sayo!! 😡😡"

"Wala naman problema kay Tao. He's a good man."

Talaga lang ha? Parang boto pa ata ang kakambal ko kay Tao. Ano kaya pinakain sa kanya kung bakit supportive siya sa panliligaw ni Tao sakin? Madali pa naman yun makuha basta may masarap lang na pagkain.

"No comment. See you soon."

Ayan, I ended up the conversation para hindi na ako tuksuhin ng kakambal ko.

My Fair PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon