89. Will Destroy For Love

2K 89 39
                                    

Wayo's POV

Nakaka-STRESS!

Yan ang naramdaman ko ngayon matapos ako nagtrabaho sa kumpanya ni Frank. Papunta na ako ngayon sa kumpanya ng pamilya ko dahil nagpa-emergency meeting si Dad. Hindi ko alam kung anong agenda.

Mabuti nalang at hindi traffic kaya nakarating ako ng maaga.

Sinalubong ako ni P'Jane at bumati ang mga empleyado sakin. Ito ang unang beses na nakabalik ako sa kumpanya ng Panitchayasawad. Mas excited pa sila kesa sakin nung nakita nila ako.

"Sir Wayo, kailangan po ba magbawas kayo ng empleyado?" Tanong ng isang empleyado.

Ha? Anong magbawas? Sino ba ang nakaisip nito at kailangan magbawas ng empleyado?

"No!" Agad ako sumagot. "Kaya ba may meeting dahil dito?"

"Opo, Sir Wayo." Si P'Jane na ang sumagot.

"Wag kayo mag-alala. Walang matatanggal dito sa kumpanya ko." I assured them.

Sumaya naman sila kahit papano pero kailangan ko pa rin siguraduhin 'to. Nung nakasakay na kami sa elevator ay tinanong ko na si P'Jane.

"Sino ba ang may pakana nito P'Jane? Stable naman ang kumpanyang 'to."

"I'm sorry Sir Wayo, pero si Sir Kimmon po ang nagsabi na magbawas ng empleyado."

Talaga? Si Kimmon talaga ang may pakana nito?

Mukhang kumikilos na talaga siya at una niya sinisira ang kumpanyang ito. Noon, ang daddy ni Tae ang may planong sumira nito tapos ngayon, isang baliw lang ang sisira nito?

Hindi ako makakapayag.

"Bago tayo pumunta ng meeting, kailangan mo kunin lahat ng reports since umalis ako dito sa bansa." Utos ko kay P'Jane.

Gusto ko makasigurado baka may na-miss out si Godt dito. Hindi ko naman masisisi si Godt dahil hawak din niya ang kumpanya ni Frank. Si Dad naman may business din siya kaya may tendency na may hindi napansin sila sa mga reports.

Agad inasikaso ni P'Jane yung utos ko.

Habang naghihintay ako ay pinatawag ko si Tae.

"Wayo."

"Ano na balita?" Tanong ko sa kanya.

"Wala pa rin ginagawa si Kimmon pero sabi ng spy ko, may tumutulong sa kanya."

Mukhang hindi lang ako ang maraming galamay. Mautak din ang baliw na si Kimmon.

"Si Wei Zhou ba?"

"Hindi. Matagal na umalis yung kaibigang Chinese niya dahil ayaw sumabit sa ginawa nila kay Copter." Sagot ni Tae.

Napaisip tuloy ako kung sino ang tumutulong kay Kimmon. Wala akong idea na may ibang kaibigan pa si Kimmon dito sa Bangkok maliban lang sa Chinese na yun. Naka-background profile na ako kay Kimmon at tanging loner lang siya.

"Nandito ba si Copter ngayon?"

"Nasa conference room na siya."

Tumango lang ako at nag-iisip habang nakatingin ako sa city view dito mula dito sa office ko. Dumagdag pa sa stress ko ang problemang ginawa ni Kimmon ngayon.

"Okay. Patuloy pa rin tayo sa plano natin."

"Okay Wayo."

Kumatok at pumasok si P'Jane dala ang inutos ko sa kanya. Nagtaka si Tae kung bakit isang karton ang dinala ni P'Jane.

My Fair PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon