Bas' POV
~~ Five Months Later ~~
Na-asikaso ko na lahat yung kumpanya at yung project ko. Naging maayos na din yung takbo ng kumpanya ko at kumpanya ni husbey. Patuloy pa rin ang project ko at maybe next year ay matapos na rin lahat. Binigay ko na yung authority kay Yihwa, Tae, at kay Godt. Yung sa kumpanya naman ni husbey ay si Godt pa rin ang namahala. Very satisfied naman ang mga board member sa performance ni Godt kaya pinayagan na nila ako mag-aral sa ibang bansa. Lahat ng pipirmahin ay si Godt na ang gagawa.
Malaki na din ang mga anak ko at masaya ako na naki-usapan ni Godt si Theo na wag ng umiyak kapag wala siya. Medyo naka-adjust na din ang bata pero minsan hinahanap talaga niya si Godt at umiiyak siya. Pero, mami-miss ko si Bank dahil maiiwan siya dito sa bahay. Ma-miss ko rin ang kakyutan ni Bank lalo na't napamahal na siya sa akin. Mas gusto niya ko kasama kesa ni Godt dahil siguro si Theo palagi ang kasama ni Godt.
Nag-aayos na ako ng mga gamit namin at tinulungan na ko nina Drake at P'Dott. Kahit sabi pa ni Godt na wag na ko magdala ng maraming gamit dahil pwede doon na lang bumili ay nagpupumilit pa rin ako i-impake ang pwede kong dalhin.
Ayoko ng gumastos pa doon lalo na't masyadong expsensive ang cost of living sa Singapore. Pati mga gamit ng mga bata ay dadalhin ko din.
Excited na kasi ako pumasok ulit sa school dahil na-miss ko na yung ganung environment.
"Kuya Wayo, promise po ha na bibisita ako sa inyo." Sabi ni Drake.
"Oo naman, Drake. Baka ma-miss ka kasi ng mga chikiting ko. Ikaw pa naman kalaro nila kapag wala si Godt."
Ngumiti ng husto si Drake at masaya siyang tumulong mang-impake. Si P'Dott ay excited din dahil first time raw niya mag out of the country. Ayoko din iwan si P'Dott dito dahil siya na rin naging nanay ko. Kung saan ako pupunta ay kasama ko din siya.
Inabutan na kami ng gabi sa kaka-impake hanggang sa nagulat ako sa pagpasok ni Queenie sa kwarto ko.
"Anong gingawa mo dito?" Tanong ko.
"I'm here to give you a despedida party." Sagot ni Queenie.
"Gaga! Babalik naman ako dito pagkatapos ko mag-aral."
"No, ganun pa din. It's a temporary farewell and I don't want you to get sad when you leave."
Napabuntong hininga nalang ako sa kakambal ko. Napansin niya na hindi pa ako tapos sa pag-iimpake.
"Yung totoo Wayo, bahay ba ang dadalhin mo?" Tanong niya sakin.
Ngayon ko lang na realize na madami na palang bagahe. Natawa nalang ako dahil parang bahay nga ang dadalhin ko. Dinala ko kasi lahat ng gamit ko at gamit ng mga bata pati na rin kay P'Dott.
"Para kayong akyat bahay gang." Dagdag pa ni Queenie.
"Oo nga Kuya Wayo. Parang wala ka ng balak bumalik." Sabi din ni Drake.
Siguro sa excitement ko kaya napadali ang inimpake ko. Nagtawanan nalang kami at doon pa lang ako huminto sa pag-impake.
Hinila na ako ni Queenie para simulan na yung despedida party para sakin. Sumunod naman si Drake sa amin at si P'Dott ay pinuntahan muna ang mga bata. Pagbaba ko ay hindi ko inasahan na may mga bisita pala ako.
BINABASA MO ANG
My Fair Prince
FanfictionStorya ito ng isang teenage boy (Bas) na napilitan magpanggap na babae dahil sa isang rason na kailangan ng taga-pagmana ang pamilyang Panitchayasawad, na isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bansa. Sa kanyang pagpapanggap ay makilala niya ang is...