36. Clash of Rivalry

2.3K 115 31
                                    

"Tae."

Paano niya nalaman na nandito ako?

"Finally, nakita na rin kita." Sabi niya sa akin.

Pumagitna ang boyfriend ko at hinawakan niya yung kamay ni Tae at tinabig niya ito.

"Paano mo ko nahanap?" Tanong ko.

"Sinundan ko kayo ni Frank sa mansion. Hinintay ko na umalis kayo ni Godt kaya sinundan ko na kayo." Sagot niya.

So, hindi ko pala siya nakumbinsi kanina sa office. Ako ata yung nalinlang niya at napaniwala niya ko na okay na siya kanina.

"Umalis ka na Tae."

"Wag ka nga pa-epal Godt! Hindi ikaw ang pinuntahan ko dito kundi si Bas." Napalakas na ang boses ni Tae.

"Ipapaalam ko lang sayo, boyfriend ko ang kinakausap ko ngayon!"

Hindi rin nagpatalo ang boyfriend ko.

"Huminahon kayong dalawa. Nasa public area tayo kaya wag kayo mag-eskandalo." Sabi ko.

Tumingin sakin si Tae. "Then, talk to me ng tayo lang." Napatingin na rin siya kay Godt.

Do I really have a choice?

Umakyat kami sa rooftop na may restaurant doon at doon kami nag-usap. Tumititig ngayon si Tae sakin at ngumiti pa siya.

"I really miss you, Bas. Mabuti nalang at hindi ko pinaniwalaan yung pagpapanggap mo kanina." Sabi niya.

Yeah! Ako yung nauto sa pagpapanggap mo.

"Ano pala pag-usapan natin?" Tanong ko.

"Pag-usapan natin yung tayo."

Napataas ako ng kaliwang kilay sa sinabi niya. Dapat pa ba ulitin ko sa kanya na boyfriend ko na si Godt.

Bakit ba ang mga lalakeng nagkakagusto sakin ay sobrang persistent sa akin? Hindi naman ako isang bagay na nasa Thanksgiving sale na dapat pag-agawan talaga.

"Tae, matagal ko na sinabi sayo na si Godt ang mahal ko kaya please, ayoko ng gulo. Pwede naman tayo maging kaibigan di ba?"

"No! Ayoko na maging kaibigan kita. Gusto ko ka-ibigan." Sabi niya.

Napabuntong hininga na ako sa pagka-persistent ni Tae.

"Ako ang unang nakakita sayo Bas at nakita mo naman yung personality ko di ba? Bakit di mo ko kayang mahalin?" Tanong niya sakin.

"Hindi dapat pinipilit ang isang tao na mahalin ka. Kung tatanungin mo ko kung bakit hindi kita kayang mahalin yun ay dahil si Godt ang mahal ko Tae. Sana naman, maintindihan mo ko."

Umiling siya sa paliwanag ko kahit shallow lang ito.

"Naramdaman ko kasi sa puso ko na si Godt talaga ang mahal ko." Dagdag ko pa.

"No! Nalilito ka lang Bas. Di ba, nagustuhan mo rin ako dati?"

Lumapit na siya sa akin at napa-usog ako ng konti nung tumabi na siya. Hindi na kasi ako kumportable kay Tae.

"Nagustuhan kita pero magkaiba ang gusto at mahal ko sa vocabulary ko."

Hinawakan na ni Tae yung kamay ko at umiyak siya sa harap. Am I worthy for his tears? Napatanong tuloy ako.

"Please Bas, love me." Nagmamakaawa na siya sa akin.

"I'm sorry Tae. Kung gagawin ko yan mas lalo kang masasaktan. You're just fooling yourself knowing that I love Godt." Sabi ko.

My Fair PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon