46. Desperation

2.3K 103 104
                                    

Lumalabas kami ni Frank to have a dinner date as long as we can dahil din marami akong inaasikaso na trabaho sa kumpanya at nagpapagamot din si Frank. Minsan hindi niya kaya umalis ng bahay after ng treatment niya dahil sa side effects.

Kahit nahihirapan o masakit yung effects ng treatment ay palagi siyang ngumingiti sakin para hindi ako ma depressed. Sa totoo lang, nakaka-depress talaga na makita ko ang boyfriend ko na nahihirapan.

Nalaman na din ni Tao yung kundisyon ni Frank dahil nahalata niya yung madalig pagkapagod at pagsusuka ni Frank. So far, tinutulungan na din niya ko.

"Bas, bilib din ako sayo. Kinaya mo talagang alagaan ang pinsan ko kahit alam mong mahirap sa damdamin ang sitwasyon." Sabi ni Tao.

Nasa veranda kami ngayon ni Tao nagpapahangin habang nagpapahinga si Frank sa kwarto niya. Napangiti nalang ako sa mga sinabi niya.

"Mahal ko yung pinsan mo, Tao. Ayoko maramdaman niya na mag-isa lang siya sa laban niya kaya hihilingin ko na damayan mo din siya. Minsan kasi, hindi ko nakakayanan ang sakit na nararamdaman ko para kay Frank."

"At least, lumalaban siya para sayo." Comment niya sakin.

Tao rin ako at nagbe-breakdown din sa mga pangyayari. Nagtatrabaho ako sa kumpanya, inaalagaan ko si Frank, at higit sa lahat hindi ako tinantanan ni Joss at Godt. Mabuti nalang at hindi na dumagdag si Tae. Wala na rin akong balita sa kanya.

Sabi lang ni Queenie nagbakasyon sa ibang bansa.

"You know what, I really like you Bas."

Napatingin ako sa sinabi ni Tao. Hindi ko kasi inasahan na ganun pala siya sa akin.

"Come on, Tao. You're not gay right?" Napatawa pa ako.

"Ano naman kung gay?" Tanong niya sakin.

"Wala lang. Wala kasi sa hitsura mo na magkagusto sa isang lalake. I'm sire maraming babae na naghahabol sayo at magyaya makipagsex sayo."

Bigla niya ko tiningnan ng seryoso at na-struck naman ako sa mga tingin niya.

"Hindi naman yun maiwasan pero iba ka kasi Bas. Naiinggit nga ako kay Frank dahil may isang katulad mo na nagmahal sa kanya. Hiniling ko nga na sana ako din, mahalin mo."

Wow! Iba din 'tong si Tao. Ano gusto niyang gawin? Threesome kami? Kaloka!

"You're joking right?"

"No... seryoso ako. Pero hindi ako mang-aagaw kaya hanggang tingin na lang ako sayo."

At least alam niya kung saan siya lulugar. Hindi naman siya selfish at naiintindihan din naman niya. Habang nag-uusap kami ay biglang sumulpot yung kasamabahay namin.

"Sir Wayo, may bisita po kayo."

"Sino po?"

"Godt daw yung pangalan."

Nagulat ako kung bakit nandito si Godt. Hindi naman siya maglalakas ng loob na pumunta dito kung wala lang siyang pakay.

"Sige... susunod na ako. Salamat."

Umalis na yung kasambahay at napatanong si Tao sakin.

"Si Godt? You mean, Godt Itthipat?"

"Oo... kilala mo siya?" Napatanong ako.

"Yes... kilala ko siya. Bakit siya naparito?"

I shrugged my shoulders at pinuntahan na namin si Godt. Pagbaba namin ay nagulat siya nung nakita niya si Tao.

My Fair PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon