Godt's POV
~~ One Week Later ~~
Naghahanda na ang lahat para sa birthday party ni Queenie. Nabuhayan ako ng pag-asa nung nalaman ko na darating si Bas sa mansion pero kasama niya si Frank. Hanggang ngayon bitter pa rin ako sa relasyon nilang dalawa.
Siguro tama ang baby ko na duwag ako dahil hindi man lang ako lumaban kay Pring nung tinakot niya ko. Pero, para naman sa kaligtasan yun kung bakit ako nagpakasal.
Nung humingi ako ng tulong kay Queenie na kidnapin namin si Bas ay ni-reject niya ito. Na-realize ko din na kahibangan lang yung plano ko at mas lalong lalayo si Bas sakin.
Hangga't siya ang representative ni Frank sa kumpanya namin ay araw-araw ko siya makikita. Yun nga lang hanggang tingin lang dahil palaging nakabantay si Pring sakin.
"Mukhang excited ka mamaya sa party." Sabi ni Pring na may pahiwatig.
Kahit alam ko kung saan pupunta ang usapan na ito ay hindi na lang ako sumagot kaso nagalit siya.
"Hindi ko talaga ako kakausapin?" Tanong niya sakin na may dalang galit na. "Baka gusto mo ipahiya ko si Bas sa mga bisita mamaya."
Napuno na rin ako sa kamalditahan niya. Kung hindi lang niya ko hawak sa leeg kapalit sa kaligatasan ng mahal ko ay hindi sana ito ang buhay ko na puno ng away, sigawan at walang pagmamahal.
"Subukan mo ipahiya si Bas baka ikaw ang mapahiya." I warned her.
Hindi pa kasi niya alam na isang Panitchayasawad si Bas... hindi lang siya, pati na rin yung mga tao na kilala ang pamilya niya.
Tumawa siya sa sinabi ko at hinila niya ko para harapin siya.
"Wag mo kong galitin Godt. Alam mo kung anong pwede kong gawin sa gay b**ch na yun."
Hindi ko nagustuhan yung sinabi niya kaya sinampal ko siya ng malakas. Sa tuwing iinsultuhin niya si Bas ay ganyan ang ginagawa ko sa kanya.
Sobrang galit na siya dahil sa ginawa ko at hindi ko pinagsisihan yun.
"Sa susunod ng insultuhin mo si Bas ay hindi na ako susunod sayo. Last warning na ito Pring baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko." Binantaan ko siya.
"Wag mo rin ako sagarin Godt. Iba ako magalit at alam mo kung saan pupulitin yung baklang yun!"
Hindi na ako natakot sa mga banta niya dahil ganito siya araw-araw. Nagpapaalala siya sakin bago ako aalis para magtrabaho. Nakakasawa na! Mas gusto ko pa yung dati na masaya kami ng baby ko.
Habang nagbangayan kami ay may kumatok ng pinto.
"Miss Pring, andito po yung kaibigan niyo na si Yihwa." Sabi ng kasambahay.
Biglang nag-iba ng mood si Pring at lumabas siya ng kwarto namin. Napaupo na lang ako sa kama dahil parang suspense na ang buhay ko ngayon. Mukhang kailangan ko na rin ituloy yung plano ko mamaya.
~~.~~
Masaya ako nung nagtrabaho ako dahil kasama ko ang baby ko papunta ng hospital na ipaparenovate ko. Yes, matagal din pinirmahan ni Bas para sa renovation at may dinagdag siya for an upgrade of equipments. Hindi na rin ako nag-argue sa kanya tungkol doon. Mukhang marunong na din ang baby ko sa mga ganitong bagay. Siguro, natuto siya habang siya yung representative ni Frank.
Ang pinagtataka ko lang ay bakit siya ginawa ni Frank as his representative. Si Bas na ang palaging humaharap sa meetings at balita ko siya na rin yung nag-asikaso ng kumpanya ni Frank.
BINABASA MO ANG
My Fair Prince
ФанфикStorya ito ng isang teenage boy (Bas) na napilitan magpanggap na babae dahil sa isang rason na kailangan ng taga-pagmana ang pamilyang Panitchayasawad, na isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bansa. Sa kanyang pagpapanggap ay makilala niya ang is...